Chapter XXX - C (editing)

2K 39 9
                                    


Sa isang silid: somewhere in Twin Tower.

"Akala ko hindi ka na darating."

"Pardon me, hindi ko pala nabanggit na may inaasikaso ako ngayong araw. Pero huwag kang mag-alala, I canceled all my schedule just to meet you personally-my long lost old friend."

"Correction, we'd never been friends Adolf."

Napahalakhak naman si Anitohin. "Palabiro ka pa rin Miggy, tulad ng dati. Anyways, oras na siguro para ibigay mo sa akin ang dahilan kung bakit ka nandito?" May isang lalaki ang lumapit sa kanila dala ang isang briefcase, sa loob nito ang isang laptop kung saan iyon ang gagamitin upang ma-transfer ang lahat ng pera ng mga Javier sa isang bank account, may isang device ang naka-connect dito na nangangailangan ng isang code na magmumula naman sa seal ng pamilya Javier, ito ang magiging susi upang mailipat sa kabilang account ang lahat ng kayaman ng isang Javier.

"Do you really think, makukuha mo ito ng ganoong kadali?" Inilabas ni Miggy ang seal ng kanilang pamilya. Nilalaro niya lang ito sa kaniyang mga daliri na tila ba inaasar pa ang kausap na nasa harapan niya lamang.

"Madali naman akong kausap Miggy." Pagkawika nito'y naitaas ni Anitohin ang kaniyang kamay bilang senyales sa kaniyang mga tauhan. Kaya naman sunud-sunod na itinutok ng mga ito ang kaniya-kaniyang hawak na baril sa nakaupong si Miggy. At anumang oras ay handa nang paputakan si Miggy dipende sa iuutos ng amo nilang si Anitohin.

Lingid naman sa kaalaman ni Anitohin, palihim palang pinindot ni Miggy ang isang hidden button na nailagay niya mismo sa gintong singsing na nasa hintuturo niya. Isinagawa niya ito upang bigyan din ng senyales si Darwin para isakatuparan naman ang dapat nitong gawin na parte pa rin ng mga plano nila.

"Copy that," tugon naman ni Darwin mula sa kabilang linya. Kanina pa pala siya naghihintay ng senyales mula kay Miggy. "Team Delta, team Charlie get ready!" aniya.

Mula sa katapat na building ng twin tower, may mga tauhan na pala mula kina Darwin ang nakapwesto roon. Hawak ng mga ito ang kaniya-kaniyang sniper rifles. At dahil sa signal ni Darwin ay walang anu-ano'y, isa-isang pinaputukan ng mga ito ang mga tauhan ni Anitohin. Ikinagulat naman ni Adolf nang biglang mabasag ang mga salaming bintana ng kaniyang opisina at biglang nagtumbahan ang mga tauhan niya. Kinuha itong pagkakataon ni Miggy upang sunggaban si Anitohin. Nagulat na lamang ang senador nang biglang bumalandra sa kaniya si Miggy at inunahan siya nang malakas na suntok. Nanlaban siya at ganoon din si Miggy sa kaniya.

Palibhasa, kapwa may alam sa pakikipaglaban kaya hindi naging madali sa dalawa ang talunin ang isa't isa. Ngunit hindi din naglaon, nagawang madipensahan ni Miggy ang sarili. Marahil ay mas ganado at praktisado siyang makipagbuno kaysa kay Anitohin. At walang duda na hindi pa rin niya nakakalimutan kung paano siya makipagbuno noon kahit pa nga ilang taon na ang nakakalipas.

"Magaling ka pa rin!" puri ni Adolf kay Miggy. Pinunasan niya ang dugo mula sa pumutok niyang labi.

"Ang pamamahinga ko nang matagal na panahon ay hindi nangangahulugan upang ako'y manghina. Tandaan mo iyan."

"Pwes! Hayaan mong bigyan kita ng pahingang panghabambuhay!" Kinuha ni Anitohin ang vase malapit sa kaniya at galit na ibinato kay Miggy. Nakailag si Miggy subalit hindi sa mga pasugod na suntok ni Anitohin. Hindi nagpatalo si Miggy at muling bumawi. Sa bawat nababagsakan at nahagipan ng kanilang mga kamay ay nasisira lamang ito.

Naagaw ng atensyon ni Anitohin ang samurai na naka-display at nakasabit sa may dingding ng office iya. Napuna rin ito ni Miggy, kaya nag-unahan ang dalawa sa pagkuha rito. Walang pumapayag sa kanila na may mauna sa pagkuha sa espadang iyon. Kahit halata na sa mga hitsura nila ang kapaguran at ang pagkalat ng mga dugo mula sa iba't ibang sugat na kanilang natamo ay hindi nila ito inalintana sa halip ay ipinagpatuloy nila ang ginagawa. Subalit sadyang pumapanig ang swerte kay Miggy, dahil matapos niyang tadyakan palayo si Anitohin ay mabilis niyang nahablot ang samurai. Habang tumalsik naman sa sofa si Anitohin, kasabay niya itong bumaligtad.

Revencher (ACTION) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon