Pagkalabas niya sa bodegang iyon ay dumiretso na si Czarina sa itinuro sa kaniya ng uncle niya. Inaalalayan siya ni Miggy sa bawat dadaanan niya papalapit doon sa mismong tahanan ng target nila.
Kitang-kita ni Miggy mula sa monitor niya ang kabuuan ng lugar sa tulong na rin ng satelite at modernong kagamitan na sadyang inangkat nila sa ibang bansa.
Unang binagtas ni Czarina ang malawak na bakuran ng lugar.
"Sweetie, may bantay malapit sa'yo, sa may unahan mo bandang kanan. Don't worry isa lang naman siya, sisiw na sisiw sa 'yo." Ngumiti lang si Czarina sa paalala ng kaniyang Uncle.
Dahan-dahan siyang lumapit sa lugar na tinutukoy ng tiyuhin. At doon ay nakita nga niya ang isang lalaki na abala sa pagsindi ng kanyang yosi, nakasalukbit sa balikat nito ang isang uri ng baril.
Kinuha niya ang kaniyang pulang scarf at saka isinakal sa lalaki, hinigpitan niya ang pagkakaikot sa leeg nito. Hindi na nakapalag pa ang bantay dahil na rin sa bilis at pagkabigla, mahigpit itong pinilipit ni Czarina at hindi binitawan hanggat hindi ito natatapos sa pagpalag.
Ngunit dahil sa lalaki ito ay nagawa pa rin nitong makawala mula sa pagkakasakal sa kaniya ni Czarina. Nang makatakas ang lalaki ay agad niyang tinanggal ang pagkakasalukbit sa kaniya ng baril at tangkang papuputukan si Czarina pero naagapan ito ni Czarina.
Bago pa man pumutok ang baril sa kaniya ay sinipa agad ni Czarina ang baril kaya tumalsik ito palayo sa kanila. Walang nagawa si Czarina kundi ang makipagbuno sa lalaki. May alam naman siya sa pisikal na pakikipaglaban sa tulong na rin ng Uncle niya.
Unang umatake ang lalaki pero mas handa si Czarina sa ganitong pagkakataon, nagawa niyang dipensahan ang sarili. At nagkaroon siya ng pagkakataon na mapabagsak ang kalaban ng sipain niya ito sa maselang parte ng kaniyang katawan.
Namilipit sa sakit ang lalaki. Kasabay naman nito ang pagbunot ni Czarina ng isang pistol na may silencer, nakalagay ito sa beywang niya. Mabilis niyang naitutok ito sa mukha ng lalaki. Napahinto naman sa pamimilipit ang lalaki nang mapansin ang baril.
"Any last words?" sarkastikang tanong ni Czarina.
"Huwag mo a-akong papatayin, m-may pamilya pa ako," nauutal na litanya ng lalaki habang napapailing at nakataas ang dalawang kamay.
"Ganoon ba, don't worry I will send my condolence to them."
"Huwag!"
Hindi nagdalawang-isip si Czarina na kalabitin ang gatilyo sa hawak na baril at sa halip na sa ulo patamain ay itinapat na lamang niya ang baril sa dibdib ng lalaki. Ipinikit niya muna ang kaniyang mga mata at saka muling nagbitaw ng dalawang sunod-sunod na putok na agad namang ikinamatay ng lalaki.
Ako rin, may pamilya pa noon, pero hindi sila nagdalawang-isip na paslangin ang mga ito. Bulong niya sa sarili.
Pagkatapos maitago ang patay na katawan ng lalaki ay agad na tinungo ni Czarina ang bahay kung saan naroroon si Jovit. Isa-isa niyang pinagbabaril ang mga bantay na nakita niya, walang kamalay-malay ang mga ito sa mga mangyayare sa kanila. Sa tulong ng silencer ay naitumba ni Czarina ang mga nagbabatay sa labas nang walang nagagawang ingay o walang nakakahalata. Hindi naman ganoong karami ang mga nagbabantay sa lugar.
Pagkatapos malinis ang kalat sa ibaba at mailagay sa ilang parte ng bakuran ang mga improvised explosive device na bitbit ay saka lang siya nakapasok ng tuluyan sa loob ng bahay at ginawa ang sumunod na plano.
Kulay puti ang karaniwang kulay ng mga dingding at mga kagamitan, nakakabaliw para kay Czarina. Inakyat niya ang second floor ng bahay at pumasok sa unang pintuan. Doon niya nakita ang babaeng kinuha kanina sa bodega. Sinenyasan niya ito na huwag gumawa ng anumang ingay.
BINABASA MO ANG
Revencher (ACTION) ✔
Acción[CZARINA JOY "RINA" JAVIER STORY] Grievous incident can create consummate killings whether they like it or not. A revencher was born, she'll do whatever it takes just to earn the just she thought she deserves. The truth awaits on her, the truth that...