I ✔

12.6K 219 26
                                    

"Mahuhusguhan n'yo ba ako? Ako ba'y may sala o wala?"
"Mapipigilan mo lang ako, kung mapapatay mo na ako!"

-Czarina Joy Javier

Sabi nila ang buhay ng tao ay masyadong kumplikado. Minsan masaya dahil na rin sa mga magagandang pangyayari na dala ng mga taong nakapalibot sa kaniya ngunit mas madalas yata na malungkot dahil na rin sa mga pangyayaring ni minsan hindi pangangarapin ng sinuman. Paano nga ba mabuhay ng patas kung ang tadhana na mismo ang nagbibigay ng hindi patas na sitwasyon? Bakit nga ba nabubuhay? Para kanino? At hanggang kailangan ka lang dapat mabuhay?

Kawalan ng pag-asa. Sapat na itong dahilan para gumawa ng mga bagay kahit pa nga ito'y labag sa kalooban ng isang tao. Gagawin ang lahat sa kahit na ano pa man na paraan at kahit sino pa ang humadlang, batas man ito ng tao o maging mali sa mata ng Diyos.

Mapaglalabanan ang lahat makamit lang ang pinapaniwalaan na hustisya na magsisilbing dahilan para mabuhay pa. Ako si Czarina! Nabubuhay ako para sa hustisya! Makukuha ko ito sa ayaw o sa gusto ninyo!

 Ako si Czarina! Nabubuhay ako para sa hustisya! Makukuha ko ito sa ayaw o sa gusto ninyo!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Colleen Garcia as Czarina Joy Javier

***

Disclaimer:

Ang kwentong ito ay buong pagmamay-ari ni Ms. Yhinyhin Tan. Ito ay nangangailangan ng gabay at pag-unawa upang mas lubusang maunawaan ang magiging daloy ng nobelang ito. Anuman ang pangalan, bagay o sitwasyon na nakapaloob dito ay pawang kathang-isip lamang ng may akda at hindi ibinase sa tunay na buhay.

May ilang mga eksena naman na maihahalitulad sa mga sumusunod na pelikula o teledrama dahil ang mga palabas na ito ang nagbigay inspirasyon sa may akda upang simulan at tapusin ang kanyang obra na binigyang pamagat na REVENCHER.

Narito ang ilang mga palabas na nagbigay insipirasyon sa akin:
1. PUNISHER
2. SO CLOSE
3. GHAJINI
4. DONDE ESTAS ELISA
5. NAKED WEAPON.

Isang paalala rin na ito ay babasahin para sa mga may edad 18 anyos pataas, ang mga mambabasa na nasa edad 17 anyos pababa ay hinihikayat na huwag nang basahin ito o di kaya'y humingi ng abiso sa mas nakakatanda sa kanila. Hindi rin ipinapahintulot na ito ay gayahin, kopyahin, kunin at akuin na "parang kaniya" ng kung sinuman lalo higit kung walang anumang kumpirmasyon sa may Akda. PLAGIARISM IS STRICTLY PROHIBITED. Salamat.

Revencher (ACTION) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon