"Sir!"
Saludo ng ilang pulis na sumalubong sa papalabas na si Darwin, huminto ito para sumaludo rin at muling naglakad palabas ng building. Kasabay niyang lumalabas sa istrakturang iyon ang mga nasabat sa raid, mga nahuling tauhan pati na rin ang mga nabiktima ng malaki at iligal na subastahan na iyon. May mga ambulansya na rin ang naghihintay sa labas para sa mga patay na katawan na nanlaban sa raid. Nakasalubong din ni Darwin sina Caleb at Arthuro. "Magandang araw po, Sir," bating bungad ng mga ito kay Darwin.
"Carry on, ikaw si Agent Zembrano 'di ba?"
"Yes Sir"
"I heard isa ka sa mga humahawak sa kaso ng pamilya Javier?" Nagpatuloy sa paglalakad si Darwin sa kabila ng kaniyang pagtatanong. Sinundan naman siya ng dalawa. Kinumpirma naman ni Caleb ang naitanong sa kaniya, "Tama po kayo Sir."
"Ano na ba ang status sa kasong iyon?" seryosong tanong ni Darwin nang hindi lumilingon sa dalawa.
"Ginagawa na ho namin ang lahat ni Chief Montaro, kasalukuyang may nagtimbre sa amin kung saan naroroon si Jovit Tansingco, but we're still in the verification process at si colonel Kathy na ho ang nakatoka doon. As soon as possible, for sure, by monday makukuha na namin ang important details patungkol sa lokasyon ng lalaking iyon Sir," mahabang paliwanag ni Caleb
"Colonel Kathy? Yah I know about her. She is the best asset that NBI had. I can't wait to meet her again. Mabuti at kasama n'yo siya sa kaso. And by the way, please tell Montaro na kasama na ako sa kasong ito kahit pa nga retired na ako. Huwag kamo siyang mag-alala dahil may authorized ako from justice department. Gustung-gusto ko rin talaga matulungan ang aking kaibigan patungkol sa kasong ito."
"Ka—kaibigan n'yo ho, sino ho?" takang tanong ni Caleb
"Wala ba akong nababanggit? Na ako at si Mr. Miguel Javier ay matalik na magkaibigan. Oo, tama, that's why gusto kong tumulong sa kaso ng pamilya niya. O sige I have to go may kailangan pa akong asikasuhin," paalam ni Darwin. Pasakay na sana siya ng kotse nang mapahinto at muling humarap sa dalawa, "Siya nga pala! Agent Zembrano pakidagdag sa listahan ng inyong imbestigasyon si Mr. Luke Hernandez, natagpuan itong patay sa isang kwarto sa loob at hinala ko may malaki itong ambag sa kasong hinahawakan n'yo, oh I mean NATIN. Alamin mo ang lahat ng may koneksyon sa kaniya okay? And report it to me immediately."
"Sige po Sir, I'll check ko it pagkapasok ko sa loob"
"Okay, see you then." Tuluyan na nga niyang iniwan ni Darwin ang dalawa sakay ng personal niyang kotse.
Samantalang agad na dumiretso ang sina Caleb kung saan naroon ang bangkay ni Hernandez na siyang tinutukoy ng Former Director nilang si Darwin. "How's the initial report?" tanong ni Arthuro sa mga kapulisan din na nasa loob na ng kwarto kung saan naroon ang wala ng buhay na katawan nang hinihinala nilang may koneksyon sa Javier Massacre.
"Sir, may tama ho ng baril sa ulo ang biktima na siyang dahilan ng kaniyang pagkamatay at saksak sa kaniyang kaliwang dibdib mula sa isang matulis na bagay pero hindi pa namin tiyak kung ano ang ginamit. Kung ibabase sa unang obserbasyon lumalabas na isa itong patalim. At saka may nakita po kaming nakasulat na 'J' sa may salamin sa loob ng banyo, naisulat ho ito gamit ang isang pulang lipstick, nasa loob ho ang tinutukoy namin." Sabay turo sa isang pintuan ng banyo. Sinilip ito ni Arthuro, "Ano naman kaya ang ibig sabihin niyan, ano sa tingin mo Caleb?"
"Sa ngayon hindi ko rin alam." Walang ideya ang lahat sa kung ano ang ibig ipakahulugan ng letrang iyon. Kaya nagmasid pa sila sa buong kwarto. "Gumagana ba ang mga CCTv na nandito sa kwarto?" tanong ni Caleb nang mahagip ng mga mata ang mga CCTv na tinutukoy niya. Dahan-dahan din siyang nagpaikut-ikot loob ng banyo sa silid na iyon.
BINABASA MO ANG
Revencher (ACTION) ✔
Action[CZARINA JOY "RINA" JAVIER STORY] Grievous incident can create consummate killings whether they like it or not. A revencher was born, she'll do whatever it takes just to earn the just she thought she deserves. The truth awaits on her, the truth that...