Makalipas ang tatlong buwan, nakabinbin pa rin ang kasong Javier massacre sa hukuman bagama't patuloy pa rin naman sa pag-arangkada ang kasong ito. Sadya lamang na napakakumplikado ng kaso kaya't hindi agad maituro ang totoong mga salarin. Isa sa pinaniniwalaang dahilan ay walang pa rin silang hawak na matibay na ebidensiya, halos lahat ay pawang panghihinala lamang. Pangalawa ay naging malihim at maingat ang pag-iimbestiga, ginawa itong pribado kaya mas bumagal pa ang pag-usad ng kaso.Kahit ang binatang si Caleb ay naiinis na rin. Dapat sana tapos na ang kaso nina Czarina kaya lang ang inaasahan nilang magtuturo sa crime master ay hindi pa rin nila natatagpuan. Ang lalaking kinilala nilang si Jovit pa rin ang inaasahang nilang lead na magpapatuloy sa kaso hanggang ngayon. May nakapagsabi na ito ay nakalipad na patungo sa Hongkong. May nagsasabi naman na ito ay itinatago na ng mismong ama niyang si Mr. Tansingco. Halos mawalan na nga rin ng pag-asa si Caleb na baka buhay pa ang dalaga, dahil ilang mga linggo na rin ang nakakalipas at wala pa rin siyang nakikitang bakas ni Czarina kahit ilang beses pa siyang magpabalik-balik sa lupain ng mga Javier.
Nagpatuloy ang mga buhay ng mga taong pinanghihinalaang may pakana ng massacre. Si Mayor Tansingco pa rin ang namumuno sa kaniyang nasasakupan. Katulad ng iba, tumutulong siya at sinisigurado niyang may camerang nakatutok sa bawat kilos niya. Halos saksi na nga ang lahat sa bawat kawang-gawang ibinibigay niya. Hindi lamang ang kinasasakupan niya maging ang buong bansa ay nakatutok at nakikibalita sa kaniya matapos muling madawit ang pangalan niya sa Javier Massacre.
Si Congressman Hugh ay ganoon din, mas naging tanyag pa nga siya sa kaniyang larangan bilang isa sa mga mambabatas kahit pa nga pinagpipiyestahan siya ng mga media. Ang tanging isinasagot na lamang niya sa bawat interbyu niya ay, "...Mga gawa-gawa lang iyan ng mga kalaban namin sa pulitika dahil nalalapit na rin ang eleksiyon. Huwag ho tayong magpapaloko sa mga naninirang iyan, imulat ang mga mata sa katotohanan. Nandito ako para maglingkod sa bayan!"
At si Don Hugo na animo nagbabalat-kayo. Lagi siyang laman ng mga balita dahil sa pagsali sa mga foundation sa bansa na bigla niyang itinatag, maraming naniniwala na sinusubukang niyang mas mapaganda pa ang imahe niya sa publiko upang maialis sa isipan ng lahat ang ideyang baka may kinalaman siya sa Javier Massacre. Kaya ngayon ay ipinagtatanggol na siya ng mga tao at organisasyon na natutulungan niya, mga taong naloko at ginagamit niya sa pagtago sa totoong pagkatao niya at ilan lang naman iyan sa mga nagagawa ng perang mayroon sila.
****
Samantala sa isla, "Napakahusay!" puri ni Miggy sa ginawa ng pamangkin dahil napapatamaan na ni Czarina ang mga bagay na inayos niya para asintahin. Mas malaki ang hinusay ni Czarina kumpara noong mga unang araw ng pag-eensayo nito. Dahan-dahang lumapit si Miggy kay Czarina habang nagri-refill ito ng bala. Seryoso ang mukha ni Czarina at di na mababakasan ng anumang kasiyahan hindi tulad ng dati. Ang maamong mukha ay tila napalitan ng mabangis at mapanganib na leyon na anumang oras ay maari manglapa. "Magaling ang ginawa mo," komento pa ni Miggy nang makalapit siya sa pamangkin. Ngunit hindi siya sinagot ni Czarina, tila wala itong narinig mula sa sa kaniya. Sa halip, pagkatapos mailagay lahat ng bala ay pumuwesto at bumuwelo ulit ito para muling aasintahin ang dalawang natitirang lata na halos ilang dipa ang layo sa kaniya. Bang! Bang! Tuluyan na ngang napatumba ni Czarina ang dalawang natitirang lata pagkatapos ay saka lamang nito binitawan ang baril at inilagay sa lamesa kalapit ng ilan pang mga uri ng baril. Seryoso pa rin ito habang tinatanggal ang itim na gwantes sa mga kamay nito.
"Magpupunta ako ng sentro ngayon," usap ni Miggy, sa pagkakataong ito nakuha na ni Miggt ang atensyon ng pamangkin.
BINABASA MO ANG
Revencher (ACTION) ✔
Action[CZARINA JOY "RINA" JAVIER STORY] Grievous incident can create consummate killings whether they like it or not. A revencher was born, she'll do whatever it takes just to earn the just she thought she deserves. The truth awaits on her, the truth that...