II ✔

8.4K 151 16
                                    

                Masayang ipinagdiwang ng pamilya ni Czarina ang Pearl wedding anniversary ng kaniyang magulang at halos lahat ng malapit sa kanila ay  nakisaya sa selebrasyong iyon. Sinubukan pa nilang pasimplihin ang okasyon, mga kamag-anak at malalapit lang nilang kaibigan ang kanilang kasa-kasama. "Mom, Dad happy Anniversary po," salubong ni Czarina sa kaniyang magulang, kasunod niyang lumapit ang iba pa niyang mga kapatid. Lima ang naging supling ng mag-asawang Javier at nasa panggitna si Czarina. Matapos humalik si Czarina sa magulang ay kaniya-kaniya na ring nag-abot ng regalo ang mga kapatid niya. Nauna na nga si Czarina kasunod ang makukulit at cute na kapatid na kambal; si Sairah at si Zoren. Nag-abot din ng regalo ang dalawa pa niyang kuya na sina Mckie, twenty seven years old at si Kenjie na twenty six years old. "Naku! Salamat mga anak," komento pa ni Mrs. Carmela Javier, ang kanilang butihing Ina.

          "Your welcome po mom," nakangiting sagot ni Czarina.

         "Ang gaganda at ang gagwapo naman ng mga anak ko," puna ni Carmela sa mga anak.

          "E saan pa ba magmamana ang mga iyan, walang iba kundi sa maganda nilang Ina," sulpot na pabiro naman ni Mr. Miguel Javier na katabi lang nila.

            "Hay naku ang Daddy nambola pa,  syempre kayo magulang namin kaya wala na kaming ibang mapagmamanahan kundi kayo lang," malambing na sagot ni Czarina kasunod nito ang nakakahawa nilang mga hagikgikan. Tumalon naman ang kambal sa mag-asawa para yumakap at magpabuhat, palibhasa limang taon pa lamang ang mga ito kaya nagpapalambing palagi, "Daddy, Mommy I love you!" sambit ng kambal sabay kiss sa cheeks ng mga ito.

           Saksi ang mga taong dumalo sa kasiyahang iyon, sa matatag na pamilya na binuo ng mag asawang Javier. Puno ng pag-ibig, pag-uunawa, pagbibigayan at nang saya na hindi ninuman maaagaw ng basta-basta. Maituturing nga na isang perpektong pamilya ang kinabibilangan ni Czarina.

            Javier Family, sino ba naman ang hindi makakakilala sa kanila. Hindi sila mga Celebrity, hindi rin sila sa politics nabibilang. Pero isa sila sa mga mayayamang negosyante na mayroon ang Pilipinas. Sikat sila sa mga turista dahil na rin sa mga Hotel, Resort and Restaurant na kanilang hinahawakan na matatagpuan sa iba't-ibang tourist spot destination na mayroon ang bansa. Lalo na sa mga beaches kung saan madalas maglagi ang mga turista ,dahil doon talaga nakilala ang kumpanya nila. They are considered as one of the biggest investors that the Philippines had.

          Meet Czarina Joy Javier , the first princess in her family. Sa ngayon siya pa lang ang dalaga sa pamilya Javier, dahil ang sumunod na babaing anak ng mag-asawang Javier ay  five years old pa lamang. Samantalang si Czarina ay nasa twenties na, so young, so sweet, has an innocent looks that makes her more feminine and most of all, she's an elegant woman with a stunning beauty that makes everyone stand in awe. Isa sa mga pangarap ng dalaga ang pumasok sa celebrity, pero never siyang pinayagan ng daddy niya. Kahit gan'on ang naging desisyon ng Dad niya, hindi na lumihis pa sa kaniyang isipan ang magrebelde  sa mga ito dahil naging mabuting magulang ang mga ito sa kanilang magkakapatid. Kaya hindi niya masisikmurang sumalungat o labagin ang kalooban ng mga ito. Sa halip, mas pinanghawakan niya ang paliwanag ng kaniyang mommy sa kaniya, Ang pumapasok lang sa Showbiz ay 'yong mga taong gustong  mapansin at mga taong kulang lang sa pansin na agad din naman niyang naunawaan.

             Actually, she doesn't need to be recognized at all. Dahil sapat na ang pagmamahal ng pamilya at suporta ng mga kaibigan para malaman niyang siya ay may halaga, sa katunayan nga niyan umaapaw pa nga. Masaya at kuntento siya sa buhay na tinatamasa ngayon. Tapos na rin siya sa pag-aaral, she took her culinary course sa isang University sa Massachussets at ito ngayon ang ginagamit niya  bilang bahagi ng family business nila. Dito rin niya madalas ubusin ang oras niya. Kaya kahit papaano may maipagmamalaki na rin naman talaga siya bukod sa yaman ng kanyang pamilya. She had her owned business na siyang nakakatulong sa main sources ng income nila at isa na nga rito ang tourism. Ang skills at kaalaman niya sa pagluluto ang siyang sumusuplay ng mga pagkain and beverages sa kanilang mga restaurant all over the country, ilan din sa mga menu nila ay sariling recipe  ni Czarina na halos ipagmalaki hindi lamang ng mga magulang niya pati na rin ilang mga cooking books publishers, restaurants and schools. Czarina strongly believed that she is living in abundant blessings through out her life with the help of her family and friends. At karapat-dapat naman talagang kaiinggitan ang buhay na tinatamasa niya ngayon. Syempre idagdag pa sa kumukompleto sa kaniya ang isa sa pinakamalapit sa puso niya, walang iba kundi si Andrew. Andrew Crissford, ang kaniyang mahigit tatlong taon ng boyfriend na kagaya niya ay nagmula rin sa kilala at mayamang pamilya. Di ba! Napakasarap mabuhay bilang isang Czarina Joy Javier. She is perfect, with a perfect life, perfect family and a perfect relationship with her boyfriend hashtag future husband. Bonus na nga lang kagandahang-loob na mayroon siya at ang pagiging literal na maganda at mestisa niya. Isa rin siyang mabait na anak, maalalahaning kapatid at maaasahang kaibigan.

***

Revencher (ACTION) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon