Lotus Alexandria Gabriel
"Alex!" I saw Chabelita waving her hand at me. Natawa pa ako sa itsura niya dahil may hawak itong fried chicken at panay ang subo nito. Ang dami pa nga sa harapan niya. Kahit kailan talaga ay sobrang takaw niya. Hindi naman na rin bago sa akin.
Mas bago pa nga sa akin 'pag hindi siya kumakain o nang-aagaw ng pagkain.
Basta 'pag si Chabelita na, asahan nating pagkain ang laging laman ng isip niya.
"Kaya pala dito ka sa Cafeteria dumeretso dahil gutom na gutom na naman 'yang mga alaga mo." Natatawang sagot ko sa kaniya habang umuupo sa harapan niya.
Umirap naman ito sa akin. Alam niyo 'yong ang takaw niya pero pikunin siya pag pinapansin 'yon?
"Hindi pa kasi ako nag b-breakfast e. Ikaw? Kumain ka na ba? Maaga pa naman e." I check my watch to see the time. Tama naman siya, maaga pa. Mag se-seven pa lang ng umaga.
Masyado kasi kaming masipag pag dating sa pag aaral kaya kahit ganitong oras ay narito na kami sa eskwelahan. Char, ganito talaga ang halos mga estudyante rito.
Maaga papasok at dito na kakain ng umagahan o maaga papasok para dito matulog hanggang sa oras na ng klase. O kaya naman maaga papasok kasi nasa gym sila nagpapapawis at nagpapawala ng antok.
Gaya na lang ngayon na may mga mangilang estudyante na kumakain ng umagahan nila dito.
"Hindi pa. Sandali lang at mag o-order lang ako." Tumayo na ako at hindi na siya hinintay sumagot at pumunta sa counter.
Buti na lang at wala naman ng pila. Minsan nakakatamad din ang pumila pag sobrang haba e. Tipong gutom ka na nga pero naghihintay ka pa ng matagal.
"Hi, ate Marites! Dalawang chicken sandwich nga at isang black coffee."
Minsan talaga ay nahihiwagaan ako sa Cafeteria ng school na 'to e. Hindi lang naman iisa ang Cafeteria dito kaso bakit kaya may tinda silang fried chicken lagi at hindi nauubusan? I mean, hindi naman sa nagrereklamo kasi favorite ni Chabelita iyon kaya sigurado akong magiging tambayan niya dito— I mean, matagal na niyang tambayan ang Cafeteria.
Hindi na nga dapat ako nagtataka dahil kompleto naman na ang lahat dito. Lahat naman ino-offer if they know that students need it.
But to Chabe? Kahit anong pagkain ang nakahain sa harapan niya ay paborito niya.
Mabilis ko naman nakuha ang nabili at naupo ulit sa harap ni Chabelita. Chabelita Lacuesta my best friend. Pero hindi lang naman siya ang kaibigan namin, mas close lang talaga kaming dalawa pero may circle of friends kaming kinabibilangan.
"Kape na naman?" She frowns. Hindi ko siya pinansin at kumain na din. Matakaw din ako pero kakaiba ang katakawan nitong isa.
Mahilig kasi ako sa kape pero lagi na lang nakukuwestyon lalo na't minsan nagpapalpitate ako.
"Alam mo naman na."
Hindi ko naman kasi maiwasan ang hindi magkape, kada oras ay parang gusto kong makainom nito dahil hinahanap-hanap ng panlasa ko.
"Bawas-bawasan mo na ang pagkakape baka diyan ka humimlay e." Natawa ako ng mahina.
"Grabe naman sa humimlay, Chab. Mauna ka kaya?" Isang ismid ang naging sagot niya na ikinailing ko na lang.
Hanggang sa nalingon ko na lang si Leo na kakapasok lang ng Cafeteria. Mukha pa siyang model sa lakad niya.
"Morning mga prend!" His Leo Hernandez, kaibigan din namin. "Aga-aga puro pagkain a. Tumataba ka ata Chabe." Sinamaan naman ng isa si Leo dahil sa sinabi niya. Bigla ba namang bumanat. Ayaw pa man din no'ng isa na sinasabihan siyang tumataba.
BINABASA MO ANG
Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)
Romance² [Second Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #1] Lotus Alexandria Gabriel is a Student at Black Lily University. Isang estudyante na pilit tinatakbuhan ang nakaraan subalit pilit rin siyang binabalikan. Until she met Miss Tala Liandro, a pro...