Alexandria
Lunchtime na naman.
Wala ako sa hulog na naglalakad papuntang cafeteria habang nasa likod ako ng mga kaibigan kong ang ingay-ingay. Hindi na talaga nahiya ang mga ito sa mga bunganga nilang dinaig pa ang mikropono. Kahit kasi pagtinginan sila sa kaingayan nila ay wala silang pakialam. Palibhasa ay gusto sila ng mga estudyante.
Ang malala pa nga ay pinag uusapan nila ang nangyari sa klase kanina lalo na ang pagtawag sa akin dahil sa p'westo ko sa likod.
Hindi rin nag fa-function ng maayos ang utak ko kaya hindi ko sila masaway. Para itong nasa alapaap na palutang-lutang na lang.
At kung bakit ako ganito ngayon ay hindi ko naiintindihan. Dahil ang rason dapat ay ang nangyari nga kanina pero may iba pang tumatakbo sa isipan ko.
"Panay rinig ko ang mga usapan tungkol kay Miss Liandro." Biglang pagbabago ni Chabelita sa topic nila. "Siya ang topic for today's video."
Kahit kailan talaga ang mga ito.
"Oo din. Sa tangkad at ganda ba naman ni Ma'am. Hindi mo aakalin na magtuturo siya dito. Marami din naman ang magagandang professor pero iba si Miss Liandro." Hanggang sa oras ba naman ng tanghalian ay siya pa rin ang usap-usapan. Maski ang mga ito ay nakikisabay pa. "Walang-wala ang kaliitan ni Alex sa height ng bago nating Propesor." Bumalik na naman sa akin ang usapan at ayaw talagang tigilan.
"Tigilan mo ako Carlo." Pinaningkitan ko ito ng tingin. Masyado na nila akong inaasar.
"Gusto mo bang lumipat ng upuan?" Umiling ako. Hindi naman na kailangan. "Baka kuwestyunin na naman ang pag p'westo mo do'n."
"Wala naman kasing mali kung doon ako naka upo, hindi ba?" Inis na tanong ko pa.
"Wala nga pero kasi totoo rin naman ang sinabi ni Miss Liandro, Alex. Lagi ka kasing nagtatago sa likuran." Napaismid ako. Hindi naman ako nagtatago.
"Talagang sumang-ayon ka pa." Nailing naman ang apat sa akin. Deretso kami hanggang sa marating ang Cafeteria na halos mapuno na. Sure akong mga estudyante lang din ito na tamad bumaba.
Si Miss Liandro naman din talaga ang usapan ng ilang mga estudyanteng nadadaanan at nakakasalubong namin.
"Doon na lang tayo sa pinakasulok umupo." Suggestion ni Carli ng makapasok kami sa loob ng Cafeteria kaya sumunod lang din ako sa kanila at tahimik na umupo sa tabi. Hindi naman ito ang usual na ang tahimik ko pero anong gagawin ko kung wala man lang akong energy na kahit konti lang.
Maingay din ang paligid na talaga nga namang nangyayari lalo na dito sa Cafeteria at panay ang bulungan ng mga estudyanteng nakakakita sa aming magkakaibigan. Hindi ko naman maitatanggi na sikat ang mga kasama ko at matunog talaga ang mga pangalan nila.
Paano ba naman silang hindi sisikat e si Carli nga ay kasama sa isang Cheer dance while Carlo is a captain pa ng football. Ang galing nga ng name ng kambal e. Carli and Carlo Monteclaro. Medyo Rhyming. Si Leo naman ay isa ring Captain ng Basketball. Si Chabelita? She's playing Volleyball.
Marami talaga silang talent, ilang beses na ring nailalaban at dahil sa talentong iyon ay ang lakas ng pangalan nila sa mga estudyante. May nga fans na nga rin sila e.
Iba-iba talaga ang hilig namin pero lagi kaming nagkakasundo. High school kami no'ng nagkakilala at naging magkakasama kaya sanay na kami sa isa't isa.
Lagi ko ba naman silang kasama.
Ako? Isa akong dancer dito sa University pero hindi lagi, I mean minsan lang kapag hindi ako tinatamad. Actually, lagi akong tamad sa pagsayaw kaya parang hindi na rin ako dancer niyan. Ako ang tumatayong leader nila pero dahil sa lagi naman akong umaayaw, hinayaan ko na sila at pinagkatiwala ko na sa iba ang pagiging leader. Dahil na rin sa hindi ko na mahaharap ang responsibilidad ko sa kanila at may dahilan pa akong iba.
BINABASA MO ANG
Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)
Romance² [Second Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #1] Lotus Alexandria Gabriel is a Student at Black Lily University. Isang estudyante na pilit tinatakbuhan ang nakaraan subalit pilit rin siyang binabalikan. Until she met Miss Tala Liandro, a pro...