A/N: Beware of some scenes and words that can be triggered~
Alexandria
"W-What d-do you mean, Miss?" Hindi ko alam pero todo kaba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi sure kung tama ba ang narinig ko.
Anong bang meron at kinakausap niya ako? Anong meron at nag o-offer siyang ihatid ako pauwi bigla?
"I said let me take you home. Are you deaf?" Mas mabilis pa sa alas kuwatrong umirap ako dito dahil sa emosyong pinapakita niya. Ang sungit kasi ng sagot niya. "So you're now rolling your eyes at me." I sighed heavily.
Professor ko nga pala siya tapos ang lakas pa ng loob kong umirap sa kaniya. Ang sama na nga ng ugaling nakikita niya kada mura ko tapos iirapan ko pa siya.
Ang sungit ba naman kasi and now she wants me to take me home but she's talking to me right now like her emotions want to contradict her want.
Medyo magulo na.
"No thanks, Miss Liandro. I am with my friends po." Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay sa akin. Siguro ay hindi inaasahan ang pagtanggi ko pero ako man ay hindi rin inaasahan ang pag alok niya. Pag alok niyang mukhang utos pa ata. Demanding ang baby niyo. "Baka po kasi hanapin din nila ako pag nawala ako bigla—"
Sa pangalawang pagkakataon ay pinutol niya ang sinasabi ko.
"Come." Hindi makapaniwalang sinundan ko siya ng tingin. Tumayo na kasi siya at ininom ang natitira nitong alak sa baso bago nagpunas ng labi sa harapan ko.
Shems, ang hot.
Ako naman ay hindi ko na alam ang gagawin dahil bakit parang pabigla-bigla ata siya. Ako? Ihahatid niya? Isa niyang estudyante?
Okay lang ba siya o lasing na siya? Kaso mukha namang kakarating lang din niya. Hindi naman siguro siya nalasing agad sa nainom hindi ba?
Nakakaintimidate din ang presence niya ngayon habang suot ang pulang bestida. Mas lalo pa siyang tumangkad sa suot na heels. Nagmumukha tuloy akong tyanak nito.
Pinagtitinginan rin siya ng mga kalalakihan at ibang babae dito. Wala rin ata siyang pakialam sa mga tingin nila. Hindi niya ito pinapansin pero kahit na. Pinagtitinginan pa rin siya.
Bigla akong nakaramdam ng inis dito.
"Don't let me repeat myself, Miss Gabriel." Nawala ang tingin ko sa mga nakatingin sa kaniya. Para akong nilamig sa di malamang dahilan.
"Pero kasi—"
"One." Laglag panga akong tumitig sa kaniya sa pagsisimula nitong mag bilang. Hindi ako nainform na bibilangan pala ako nito.
"Oh— fine."
Wala na rin akong nagawa na tumayo. Tumingin lang siya sa akin bago tumalikod kaya sumabay na ako sa kaniya. Tahimik kaming lumabas at dumeretso sa parking lot ng Bar.
Mas okay na rin ata na umuwi at ihatid niya ako. Maialis ko lang siya sa loob ng Bar na 'yon. Masyado siyang agaw atensyon. At okay na rin para hindi na siya magbilang pa. Mukha kasing kada salita ko ay may bilang 'yon.
Lumapit siya sa isang puting sasakyan tsaka ko lang naalala na sasakyan ko pala ang dala namin nila Carli papunta rito. Pero na kay Leo naman ang susi kaya sila na ang bahala doon.
I'll text Chabe na lang to inform her na sila na bahala sa sasakyan ko at sana makabalik 'yon ng walang gasgas dahil kung meron, gagasgasan ko ang mukha nila.
"Get in." I looked at her at lumapit sa kinatatayuan niya sa tabi ng pinto ng driver seat.
Ako na mismo ang nagbukas para sa kaniya. Binalewala ko lang ang mga tingin niyang seryoso. "Pasok na Miss Liandro." Wala ng tanong-tanong pa itong sumakay at ako nama'y umikot para pumasok at umupo sa passenger seat.
BINABASA MO ANG
Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)
Romance² [Second Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #1] Lotus Alexandria Gabriel is a Student at Black Lily University. Isang estudyante na pilit tinatakbuhan ang nakaraan subalit pilit rin siyang binabalikan. Until she met Miss Tala Liandro, a pro...