Chapter Three

8.3K 263 38
                                    

Alexandria


Pabalik kami ng Aurum Building. Ako naman ay bagot na bagot naglalakad kasabay nila.

"Anong balak niyo this weekend?" Leo asked. I shrugged. Halatang may mga balak sa utak niya kaya nagtatanong na naman siya. At kung ano man 'yon ay bahala sila.

Dahil ako ay parang tinatamad talaga kahit ang gumala o gumawa ng kung ano. Friday na kasi ngayon at isang klase na lang ay p'wede na kami umuwi. P'wede na kami magpahinga at p'wede na rin naming gawin ang mga gusto namin kahit pa ang humimlay.

Galing nga kami sa High school building kaya pabalik pa lang kaming Aurum Building dahil may hinatid kami sa kapatid ni Leo. Which is hindi dapat kami naliligaw doon dahil kung hindi p'wede ang mga high school students dito sa amin ay hindi rin kami p'wede doon sa kanila. Need pa ng access or VIP ID with a reason why we're there na kukunin pa sa Admin.

Ang ginawa lang kasi namin ay gumawa ng paraan para hindi kami mapansin ng guard sa gitnang gate kung saan konektado at papasok ng left-wing. Tinamad kasi kaming kumuha ng ID sa Admin dahil walang tao doon.

"Daan nga muna tayo sa locker baka nandoon 'yong nawawala kong notebook." Suhestyon ko na lang pagkapasok namin ng Aurum Building. Sa first floor kasi ang mga locker namin. Lumiko kami kung saan ang mga locker namin dito. Buti na lang talaga kasi hindi ko na naiwan ang susi ng locker ko. Lagi ko kasing naiiwan sa kung saan sa bahay at nakakalimutan kong iligpit kaya hindi ko rin nadadala pag papasok na.

"Hindi ako p'wede this weekend. Pupunta akong Cebu to visit my Grandma." Chabelita started. Oo nga pala, sinabi na niya 'yan noong isang araw lang. Lagi silang nagpupunta ng Cebu dahil na rin sa may sakit ang lola niya doon.

"Well, we have a party that needed to attend to, right Carlo?" Nagkibit balikat naman si Carlo kaya tumango tango na lang ako sa kanila dahil ramdam ko ang inis ni Carli. The party again or maybe a business party— "As usual, business party." Reklamo nito na ikinatawa ko na lamang.

Sabi na nga ba e. Hindi naman na bago sa amin ang mga ganito. Aware kami sa mga business party na 'yan. Anak ang magdudusa, charot.

"Ang boring naman ng weekends ko kung wala kayo." Reklamo ni Leo na siyang nagtanong kung ano ang balak namin. Inasar naman siya ni Carlo at Chabe.

Pagdating namin sa locker ay mabilis ko naman itong binuksan para hanapin ang hinahanap ko.

"Ay hala!" Napasigaw ako sa gulat ng maraming nalaglag mula sa loob ng locker ko pagbukas ko pa lang nito. "Bakit naman may mga ganitong nilalagay na naman na papel sa locker ko?!" Medyo pasigaw na turan ko dahil nakakainis. One time ganito ang nangyari at pahirapan ako sa paglilinis. Nagsabi na rin ako na ayoko ng kung anong kalat sa locker ko na magpapaaksaya lang ng oras ko.

Tapos ngayon na may hinahanap ako at ngayon ko lang ulit binuksan ay ganito pa ang bubungad sa akin.

Alam kong minsan lang kung buksan ko ang locker ko pag 'di ko naiiwan ang susi pero sana h'wag naman ganito. Huwag ganito na alam naman nila na hindi ko rin babasahin ang mga laman nito.

I do appreciate all their efforts but I don't have time to read them one by one.

"Ano ang mga 'yan girl? Love letter? Punong puno a." Pang aasar ni Carli. Natatawa naman na nagpulot ng isa si Leo sa mga nagkalat na papel at binuklat ito. Maski sila Chabe ay nakipulot at nagbukas pero hindi naman binabasa.

"Carli naman." Pananaway ko dito pero tinapik lang niya ang balikat ko.

At syempre, isa sila sa mga natutuwa kahit naiinis na ako. Hindi alintana sa amin ang mga estudyanteng nakatingin sa amin at maski sa mga papel na nahulog.

Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon