Chapter Eighteen

6.4K 229 66
                                    

Alexandria


I stared at my black Jeep Wrangler Rubicon Unlimited. I am in awe and so in love with this. Damn, it is so beautiful!

This is one of my favorite na pinaghirapan kong mabili. Mahilig kasi talaga ako sa sasakyan kaya basta gusto ko ay pinaghihirapan ko.

Naiiling akong pumasok dito at pinasibad paalis ng Condo.

Hindi naman pwedeng titigan ko ito maghapon at main love dito dahil kailangan pa ako sa eskwelahan ngayon. It's already Thursday, tapos na rin ang laban ni Chabelita at Leo kahit sa cheerdance nila Carli.

It's all enjoyable and we are all happy kasi magkakasama kami. Even though I want to join my other circle of friends ay hindi ko sila magawang lapitan.

Medyo thankful na rin kasi wala ng naging problema pa sa mga estudyante at sa mga naging sumunod na araw.

Mabilis din akong nakarating ng University at nakapasok ng parking lot na parang ayaw ko ng lumabas ng sasakyan ko.

Gusto ko na lang umalis at mag long rides gamit ito. Tipong kahit saan na ako mapunta basta 'di ako lalabas ng sasakyan kong 'to.

Pero wala naman akong nagawa kung hindi ang bumaba pa rin.

Napansin ko naman ang ibang estudyante na biglang tumitigil sa paglalakad dito sa parking lot at tinitignan ang sasakyan ko.

I know, I know.

It's beautiful! Ngayon ko nga lang ito nagamit ulit at nilabas e. Namiss ko siya gamitin.

"Alex?" Tawag iyon sa akin.

Nagulat na lamang ako ng makita si Banana na nakasandal sa isang gilid.

Anong ginagawa niya dito? Dito sa University?

"Saging? Anong ginagawa mo diyan? Naghihintay ng limos?" Tumitig ako sa kaniya. Natawa naman siya bago niya ako nilapitan at inakbayan.

Inaakbayan lang ako nito para ipagyabang na matangkad siya e.

"Nah, nandito kasi ang dragon kaya nandito rin ako. Pumunta lang ako dito dahil dito." Tinaas nito ang isang pakete ng sigarilyo kaya malakas kong binatukan ito. "Aray Alex!"

Naninigarilyo na naman ang isang ito.

"Walangya ka Saging! Ako na President ng Student Council, kasama mo ngayon at talagang makapal ang mukha mong ipakita sa akin 'yang hawak mo?" Naiinis na sita ko sa kaniya pero natawa lang siya.

Hindi na siya natigil sa kakasigarilyo niya. She loves smoking to ease her stress or somewhat trip lang niya minsan.

Naging bisyo na rin talaga niya kahit dati pa. Buti nga 'di pa siya namamatay sa sigarilyo e.

'Wag tularan.

"Alam mo kasi President. Hindi naman ako student dito e."

Nagdahilan pa talaga ang isang 'to.

"Alam mo din bang student man dito o hindi ay pinaparusahan ko?" Ngumisi ako. "At dahil ikaw ang unang nahuli ko ngayong araw. Kailangan mo akong ilibre ng umagahan, okay?"

"Wala akong pera." Maagap niyang sagot bago lumayo sa akin. "Bahala ka diyan, hindi kita kilala."

Ako naman ngayon ang natawa at tumakbo palapit sa kaniya at kinuha ang kamay niya para akbayan ako ulit. May ibang napapatingin sa amin at nagtataka dahil hindi kilala ang kasama ko.

Pasalamat na lang talaga ako at mabango ang sigarilyo niya na hindi pangkaraniwan dahil na rin sa gawa ng isa ko pang kaibigan.

Yes, her cigarettes are not the typical cigarettes na mabibili mo sa tindahan o kung saan. She is too special that they made it just for her. Hindi siya delikado sa health niya because our friend is too genius in creating this.

Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon