Alexandria
As we keep secrets, we keep burdens. Hanggang sa bumigat nang bumigat at sumabog na tayo dahil sa lahat ng tinatago natin.
Hindi kasi natin maitatago ang lahat ng sobrang tagal.
But then, we also have friends to share those with until we are ready to unleash some ties with us. Hindi gano'n kadali ang magsalita kaya kailangan pa talaga ng maraming lakas ng loob at paghahanda bago gawin ang isang bagay na ganito.
They unfold their secrets right in front of us. We keep listening and trying to understand them.
As for me, hindi ako nagsisisi na ibalandra ang isa sa mga tinatago ko sa harapan nila. Pero masakit na hindi ako handa sa ginawa kong iyon.
Hindi ako naging handa ng buo.
Nagpapanic na ang dalawa kong pinsan, sigurado iyon.
Sila Alicia na ang bahala sa kanila. Hindi nila pababayaan ang mga iyon.
After staring at them hindi ko na napansin that I am crying because I cannot feel anything again. I am crying because all those years na ginagawa ko sa sarili 'yon ay basta ko na lang siyang ibinalandra sa harapan nila ng hindi handa.
Hinila ako ni Tala papalayo sa kanila. Papalayo sa rest house at namalayan ko na lamang na nandito na kami sa kubo kung saan nila ako pinuntahan kagabi.
Nilayo niya ako sa mga 'yon. I don't know why but still thankful. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko pag 'di niya ginawang ialis ako do'n.
Tahimik lang akong nakatingin sa kawalan. Walang maramdaman at tamang kinakain lang ako ng mga nakaraang paulit-ulit na dumadaan sa isipan ko na parang sirang plaka.
Tahimik lang si Tala sa tabi habang nakikiramdam.
I wondered what secret she was hiding as well. Does she have a deepest secret other than killing too?
"You can talk to me, you know?" I look at her when she suddenly talks. She's crossing her arms habang nakasandal sa pader ng kubo. Mariing nakatitig at pinag aaralan ako. "I get you here to have some time for yourself. Calm down, you are about to lose yourself."
Nag alala ako sa kung ano mang iniisip niya patungkol sa akin.
Baka nga gano'n ang mangyari doon pag 'di pa niya ginawa.
Bakit ba pag siya na ang nakatingin sa akin ng ganiyan ay para akong natutunaw? Her brown orbs make me gulp and make me insane. Parang nilalapit ako no'n sa kaniya. Parang pag siya na, ayos lang ang lahat at maiintindihan niya.
Titig na titig kasi ito sa akin ngayon.
Naisip ko na iyong kahit minsan na iiwasan niya ako, her eyes never lie about what she really feels and what she wants to do. She's just contradicting her heart. Ginagawa niyang komplikado ang isang bagay na mabilis lang tanggapin. O baka naman ay straight lang talaga siya at ako itong nagpapaconfuse sa sexuality niya?
Bakit hindi ko agad naisip iyon?
Iniwala ko iyon sa isipan ko. Dahil kung straight talaga siya, sinabi na niya una pa lang. Dahil sa siya si Tala, hindi niya hahayaan na pumasok sa ganitong sitwasyon kung ayaw talaga niya.
"P'wede ka naman magsalita." Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Ako ang nahiya sa ginawa kong pagtitig sa kaniya na hindi ko namalayang medyo natatagalan na.
Napabuntong hininga na lamang ako sa sitwasyon namin ngayon. Para akong gumawa ng isang gulo pagkatapos kong sabihin sa harapan nila ang ginagawa ko sa sarili ko.
Hindi iyon madali para sa akin pero kaibigan ko sila. Ayokong magtago ng matagal. Kahit sana isa-isa ay harapin ko na lang at huwag takbuhan.
Oo nga isa-isa ko dapat sabihin pero iyong ginawa ko ay sobrang laking bagay na.
BINABASA MO ANG
Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)
Romance² [Second Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #1] Lotus Alexandria Gabriel is a Student at Black Lily University. Isang estudyante na pilit tinatakbuhan ang nakaraan subalit pilit rin siyang binabalikan. Until she met Miss Tala Liandro, a pro...