Chapter Twenty Eight

6.2K 214 34
                                    

Alexandria


I stare at the bonfire that Lila and Leo created a while ako.

Nag suggest kasi ang mga kaibigan kong mag enjoy at maglaro naman ngayong gabi habang nag e-enjoy sa init ng apoy na nasa gitna namin habang kami ay nakapalibot.

Seeing the fire gives me warmth.

"Bonfire!" Natawa ako ng makitang nag uunahan silang umupo sa palibot ng kinaroroonan ko ngayon.

Tuwang-tuwa talaga sila ngayon.

"Iluluto na ba natin si Leo?" Pang aasar ni Banana habang naupo sa tabi ni Miss Dela Merced.

Ayaw talaga mahiwalay sa irog niya. Kahit naman siguro ako kay Tala. Magkaibigan talaga kami ni Saging. Parehong marupok sa irog.

"Bakit ako? P'wede namang ikaw na lang!" At syempre hindi magpapatalo ang kaibigan kong si Leo.

Bakit naman kasi iluluto sa bonfire 'di ba? Mga siraulo talaga ang mga ito.

"Nasaan si Lian, Ate Sherez?" Pansin kong hindi nila ito kasama na nagpunta dito.

"She needs to do something first. Hindi muna siya makakasama tonight."

"Why not?" Birthday pa rin naman ni Ate Sherez e.

"Her Mom is in the Hospital. Gusto ko sanang sumama but she won't let me." Napa 'o' ako sa kaniya. Hindi ko kasi napansin si Lian kanina na umalis. "Ayaw niyang iwan ko kayo dito e."

"I understand." Hopefully, her Mom is now fine. Sigurado akong mag aalala lang itong si Ate Sherez. Baka nga nandito ang katawan pero ang isip ay nasa Manila at na kay Lian.

Hindi na rin nagpaalam sa amin e. Baka nagmamadali kanina.

"Anong lalaruin natin?" They asked.

Nagbigay ng isa-isang can in beer si Ate Hydra. Siya ang pinakamalakas na uminom sa amin. Wala atang oras na hindi ko siya nakitang walang hawak na alak.

Hindi ko alam kung may problema ito o ano, I want to ask pero hindi naman ako maka-timing kasi minsan parang ang lalim ng iniisip niya. Like she's here but her mind is occupied with something far away from here.

"Truth or dare na lang!" Nailing ako.

They are now alive again.

Tumabi naman sa akin si Tala na ikinangiti ko. Akala ko hindi siya tatabi sa akin e.

She smiles at me and nodded. Medyo sumiksik pa nga palapit sa akin na nagustuhan ko naman.

"Makikitabi."

"Why not?"

Feeling her warmth feels ecstatic.

Minsan lang ito mangyari. Ayoko namang sayangin. Tala Liandro na iyan e.

Hinding-hindi ako tatanggi.

"Truth or dare? Ano iyong apoy ba ang ipapaikot natin?" Confident na pang aasar ni Leo. Mukhang nagiging at ease na sila sa mga kasama ko.

Wala na atang hiya-hiya ang nga ito.

"Gawin ka naming bote, Leo!"

"Bakit ako?!"

"Marunong ka ng bumawi ha." Nagsimula na naman silang mag away po, oo.

"Totoo naman e!"

"Hindi naman lahat ng truth or dare ay kailangan ng bote na ipapaikot Leo." We looked at Ate Summer na katabi ni Cathrice, kaharap sa pwesto namin ni Tala. Sa kabilang gilid ko nga ay si Alicia na tahimik lang.

Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon