Chapter Eight

6.7K 240 25
                                    

Alexandria


Nasaan na ba ako ngayon?

Sa Black Lily University?

Naglalakad ng parang wala sa sarili.

Para akong tangang walang maramdaman kahit ni isa. Wala akong maramdaman na kahit anong sakit o kahit anong hapdi sa sarili. Basta ang alam ko ay buong magdamag akong gising. Mulat na mulat ang mga mata habang nakatitig sa ceiling at habang nakahiga sa malamig na sahig.

Para akong minanhid at tinanggalan ng pakiramdam. Wala talaga akong maramdaman at para akong nilunod sa anesthesia dahil dito. Kahit ang lamig nga ng aircon sa kuwarto ko kanina ay hindi ko maramdaman sa balat ko, ang tibok ng puso ko ay hindi ko marinig magpasahanggang ngayon, ang takot o kaba ay parang nilisan na naman ako, at mas lalo na ang inaasahang hapdi o kirot sa kamao ko ay hindi ko din maramdaman.

Bumabalik na ba ako sa dati?

Hindi dapat ganito. Dati ay sinabi ko sa sarili na kahit anong balik ng mga alala sa akin ay dapat malakas at matatag na akong harapin ang mga iyon sa isip ko.

Pero anong nangyari?

Galit ako pero hindi ko maramdaman ang galit na 'yon. Namumuhi ako sa taong nagpakita sa akin kagabi. Gusto ko siyang patayin dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon.

Gusto kong isisi ang lahat sa kaniya, kung bakit kailangan ko siyang makita sa mga oras na 'yon at kung bakit ganito na naman ako.

Kaya ito na naman ako, parang ligaw sa isang lugar na hindi ako nararapat.

Ni hindi ko na nga rin namalayan kung paano ako nakarating ng eskwelahan dala ang sasakyan ko ng hindi man lang nadidisgrasya. Nagawa ko pang makapasok sa kabila ng pagiging wala sa sarili ko.

Dalawang oras na nga akong late sa klase pero wala naman akong balak o pakialam na naglalakad lang sa hallway papunta sa Aurum Building ng hindi maganda ang ayos. Hindi ko na nga namalayan kung paano ako nakaligo at kung paano ko nabalot ang kamay ng puting tela ng hindi ito nililinis.

Bakit hindi ito masakit? Bakit hindi ko ito maramdaman.

Tangina, ano na naman bang nangyayari sa akin?

Papasok pa lang ako ng Aurum ng tumigil ako sa paglalakad ng may humila na sa kaliwang braso ko.

"Hoy, Alex!" It's Chabelita, she's holding a book and a lot of paper. "Late ka na sa klase a, tsaka bakit ngayon ka lang- A-Alex?"

Hindi ito makapaniwalang natigil sa pagsasalita ng mapansin ang itsura ko.

Bakit siya narito? Hindi ba't oras na ng klase?

Kapansin-pansin na natigilan nga siya at napaatras pa. Pati ang pag hawak sa braso ko ay napabitaw din siya.

Wala naman akong maipakitang emosyon na kahit ano sa kaniya. Basta nakatingin lang ako sa kaniya ng walang kalaman-laman. Wala na ring ibang pumapasok sa isip ko. Literal atang blangko na ako.

"W-what happened to you?" Taka at pag aalala ang makikita sa mga mata niya pero wala pa rin akong maramdaman na kahit ano kaya hindi ko alam at how to express me in front of her or how to explain it either. Nakatitig lang talaga ako ng deretso sa kaniya. "A-Alex-"

Wala akong maisip na idahilan o masabi sa kaniya. Hindi ko gusto ng kausap at mas lalong ayokong pag usapan kung bakit ganito ang tsura ko.

Tinalikuran ko na siya dahil wala rin naman akong sasabihin. Hindi na rin ako tumuloy sa Aurum Building para pumasok. Hindi na lang ako papasok sa mga klase ko.

Naglakad na lang ako papunta sa hindi ko malamang lugar at lupalop ng eskwelahang ito.

Basta malayo sa kanila.

Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon