Chapter Twenty Nine

6.1K 240 57
                                    

Alexandria


"At dahil nandito ako kasama niyo, magsasabi din ako?" Tanong ni Lila sa amin.

Kakatapos lang namin patahanin si Ate Hydra. Kalmado na rin naman siya ngayon. Sobra 'yong pag iyak niya kanina na muntik pang magwala dahil sa naaalala na naman pala niya ang nangyari. Dinadaan lang niya sa pag inom.

Tumatakas sa paraan ng pag inom pero wala iyong use dahil mas naaalala lang niya. Mostly she's drinking para makatulog lang.

Ako na lang ang tumango kay Lila.

"Okay, fine. What secret ba? Uh, oo naalala ko na. Binully ako noong high school sa sobrang pagkaadik sa technologies. Nabugbog ako sa comfort room at umuwing basag ang tablet ko." Balewalang kuwento niya na parang wala na sa kaniya ang nangyaring iyon. "Anyway, it's not a secret to hide naman. It is just in the past that I can not forget. Simply actions that end with bullying are stupid for me."

Tama naman 'yon. Maliit na bagay ginagawa nilang katatawanan o weird or something na mas ikakasatisfy ng ibang tao.

"Basag na tablet? I remembered na Tito saw that tablet. Niregalo ni Tita sayo 'di ba?" Tanong ni Galaxy na kinatango niya. Well, Lila is Galaxy's cousin. Gano'n kaliit ang mundo. "Importante nga sayo 'yon e. Bakit hindi ka nagsumbong?"

Umiling lang at nagkibit balikat ang balik na sagot ni Lila sa kaniya.

Mabuti na lang at kalmado na sila ngayon.

Magkahawak kamay pa rin naman kami ni Tala sa ilalim ng kumot. Naiba na ang p'westo dahil saglit ko ding kinausap si Ate Hyd kanina para tuluyang makalma.

Maya't maya ding nararamdaman ko na pinapasadahan ng daliri niya ang knuckles ko, kung saan may maliliit na scar doon.

The warmth in her hands makes my heart pound. So gentle and too impossible at the same time.

Damn, Tala Liandro na 'yan.

"O siya ako na. Mukha naman akong walang kawala at para fair na rin." Simangot ni Ate Toni. "Nakulong ako." Muntik ko ng maibuga ang iniinom na beer dahil sa sinabi niya. "H'wag OA, Alex." Irap niya sa akin. Napansin pala niya ako. E sa hindi ko naman kasi alam ang bagay na 'yan. At imposible ding makulong siya ng basta-basta, ano. Hindi ako papayag no'n. "So 'yon nga. Nakulong ako dahil binaril ko 'yong legs ng anak ng General sa America."

I laugh loudly. Minsan talaga sadista ang pinsan ko.

She's not that kind of woman who's gonna use a gun but had the guts to do it when her patients are gone.

Damn again, she can do it pala ha.

"What reason?" Sabat ni Ate Sherez, pinatahimik pa nga niya ako. Hmp, istorbo sa pagtawa ko.

After all, curious din naman akong malaman kung anong rason niya at nagawa niya ang bagay na 'yon.

"Hinalikan ako ng anak niyang babae." There, napuno ng tawanan ang paligid dahil sa maliit na rason ni Ate Toni kaya binaril ang anak ng isang General.

I thought mas malala doon. Like she uses a gun e. She doesn't like that kind of brutal situation but she did?

"For seriously, Toni?!" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Ate Sherez.

"Yes. Bakit naman kasi nanghahalik 'di ba? Nanggugulat siya e."

Ibang klase talaga.

"Goodness." Natatawang reaksyon ni Ate Summer bago binato ng lata si Ate Toni. "Next na nga!"

Mrs. Hermoso raised her hand like a student. Pahiwatig na siya ang susunod na magsasalita.

Hm, interesting.

Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon