Epilogue

7.7K 225 24
                                    

Alexandria


"Hoy, Amanda. Nasaan na si Alicia?" Takang tanong ko. Nagpaalam kasi ang isang 'yon kanina at dadaan muna siyang bahay nila dito at dadalhin si Jesryl. "Namimiss ko na si Jesryl."

"Hindi ko siya ma-contact e. Baka nasa kanila pa o 'di naman kaya papunta na dito."

Si Alicia na lang kasi ang hinihintay namin bago kami makapagsimula. Tsaka namimilit pa kami ng kaibigan kung sino ang kakanta.

Nalibot ko ang buong lugar at sakto namang nakita ko si Alicia na palapit na sa amin.

"Uy, Ali! Saan ka galing?" Nililibot nito ang tingin sa buong lugar ng reception.

Pasimple ko namang napansin ang pagtataka sa mukha nito habang nakatingin kay Miss Imperial. Hindi pa rin ba okay ang lahat? Ang gulo ng dalawang ito, pag uuntugin ko na sila e.

May problema ba talaga sila? Si Miss Imperial, papadampot ko na talaga siya kay Elliot e. Kagulo ng buhay, aba.

"Ali?" Nang marating niya ang p'westo namin ay doon niya lang kami pinansin.

"To my Grandparents' house, dadalhin ko sana si Jesryl. She's asleep and tired, so bukas na lang." Well, I know that plan kaya nga siya nagpunta doon. Iyong iba lang ata ang walang alam but it's okay. Hindi pa naman tamang oras para sabihin lahat. "So, who's gonna sing? Galaxy asks us to sing for them, right?"

Tumango naman kami lahat at napatingin kay Banana na hindi na maipinta ang mukha.

"Pinipilit namin si Saging pero kanina pa nagrereklamo. Ang pangit niya kabonding!" Nang aasar o naiinis ng saad ni Hera bago umirap kay Saging the Banana na wala sa mood kumanta. "Puro kasi hindi, ngayon lang naman siya kakanta e."

Ayon na nga. Kanina pa namin pinipilit dito sa tabi si Banana na kumanta. Gusto kasi namin na kumanta siya pero kanina pa siya humihindi.

It's a wedding. Nasa wedding kami ngayon. And guess kung sinong ikakasal?

Tapos ayon, ayaw pang pumayag ng isa e, wala rin siyang magagawa sa amin kasi pipilitin namin siya ng bongga.

"Si Alicia na lang kasi. O kaya ikaw Alex! Kayo 'yong kumakanta tapos ako uutusan niyo!" Reklamo na naman.

Pang ilan na bang pagrereklamo niya 'yan?

Kanina pa niya pinipilit din na si Ali o ako na lang daw ang kumanta e. Si Alicia ang pinakamalamig na boses sa amin, alam naman namin 'yon. Maganda kasi talaga ang boses ni Ali. Pero kasi magaling din si Banana kaso kasing tamad siya ni Ali na kumanta.

Kahit ngayon lang naman siya kakanta e.

Kasi kung pipilitin namin si Ali na maging lead singer ngayon ay baka talikuran lang kami nito at iwan kami dito.

Hindi kami makakapagsimula nito pag hindi siya papayag. Siya na lang ang choices namin dahil other than me or Alicia, Banana is a good singer too.

"Sige na kasi Banana, ayaw mo bang haranahin si Miss Victoria?" Biglang pang uuto ni Amanda habang umiinom ng juice na hinaluan niya ng alak kanina. Ibang klase ang trip niya ngayon. Mukhang mangyayari na naman ang ginawa nila noon sa Subic na paghahalo ng alak sa juice.

Malalagot na naman ang mga ito mamaya.

Natahimik na rin si Banana at saglit na nag isip at tumingin sa p'westo nila Miss Victoria. May pagtataka din sa tingin nila dahil nakatingin sila sa amin. Kami lang talaga kasi nila Hera o ang buong grupo namin ang nandito.

Kanina pa kami dito kaya paniguradong nagtataka na sila sa kung anong agenda namin at nandito kami na hindi na umalis pa ng p'westo.

"O sige, Hera ikaw ang mag gitara." We beamed excitedly ng sabihin ni Banana iyon. Gusto rin naman pala niyang kumanta e. Kailangan pa talagang gamitin si Miss Victoria para lang mapapayag siya.

Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon