Chapter Twenty Four

6.1K 212 30
                                    

Alexandria


Habang naghihintay ako kay Alicia ay nakahiga lamang ako at nagpapahinga.

Iniisip kung anong ipapaliwanag ko ng hindi siya nagagalit o magtatanong ng kung ano-ano. Maari kasing hindi niya ipakita na galit siya sa natamo ko pero gusto kong hindi sila gaano mag alala nila Amanda.

Hindi rin naman gano'n katagal ng mabilis na nagbukas ang pintuan ng kubo na kinaroroonan ko.

Sa wakas ay dumating na rin ang hinihintay ko.

"Buti dumating ka, nasaan ang alak ko?" Iyon ang naging bungad ko without checking if si Alicia ba talaga 'yon o naligaw na tauhan lang ng tatay ko.

Patay kung patay.

Charot baka ma-double kill ako ng mga kaibigan ko.

Tahimik na lamang akong nakiramdam hanggang sa mapansing hindi lang iisang tao ang pumasok. Napansin ko ang mga anino nila dahil na rin sa flashlight ng cellphone ko.

Nag angat ako ng tingin para masigurado kung sino ang mga ito.

"Alicia?" Tawag ko sa pangalan nito  "Teka, may kasama ka ba?—" Umupo ako ng tuluyan at nanglalaki ang mga matang nakatingin sa mga kasama ni Alicia ngayon. Si Alicia nga ang dumating pero kasama naman niya si Miss Liandro na hindi ko inaasahan na makikita dito at si Banana na narito na pala. "Miss Liandro? Anong ginagawa mo dito?"

Bakit naman nandito si Tala?

Hindi siya sumagot pero lumapit sa akin si Ali na tahimik na nakatingin lang sa akin at inabot naman ni Saging ang isang bote ng alak na hawak nito kaya mabilis ko itong binuksan at ininom.

This will calm my nerves lalo na ang hapdi na nararamdaman ko sa sugat ko ngayon. I don't know how will it happen but it calms me down. Nawawala ang hapdi no'n na parang namamanhid.

Ako lang ba or ganito talaga ito?

"Gosh! Buti na lang dumating na kayo. Pakiramdam ko kasi malapit na rin akong mamatay sa nawawalang dugo ng sugat ko. Now, c'mon. Tanggalin niyo ang bala sa braso ko." Umirap ako sa kanila dahil hindi ko maintindihan kung bakit kasama ni Alicia at Banana si Miss Liandro na malakas ang loob na iniirapan ako kahit wala akong ginagawa. I don't even know why she's here and rolling her eyes at me na parang ang laki ng problema niya sa akin.

May tama na ako ng baril niyan pero minamalditahan pa niya ako and also, 'di man lang nag react sa nakita sa akin. Hindi ako strong girl ha.

Hindi ba siya magtatanong kung napaano ako? Kung anong nangyari at may sugat ako? Magpapanic gaya ng ibang babae?

Pero kahit na gusto kong makita ang gano'n niyang reaksyon ay iba naman ang nakikita ko.

Nagulat naman ako ng lumapit siya bigla sa akin. Iniwas ko ang sugat sa kaniya ng mapansing hahawakan niya ito ngunit masamang tingin ang binigay sa akin kaya wala akong ginawa kung hindi ang hayaan siya.

Understanding lang ako, promise.

Humawak nga siya sa sugat ko at inabala ang sarili sa pagtanggal ng manggas sa damit ko. Hindi ako makapaniwala ngunit wala naman akong mairereklamo. Akala ko ay kung anong gagawin niya sa sugat ko pero inayos nito ang pag apply ng pressure doon.

Salamat na lang din at may alak ako para kontrolin ang hapdi na nararamdaman doon.

Wala din akong makitang bahid ng takot sa mga mata nito kahit na sobrang lapit ng nagdurugong sugat ko sa kaniya na hinahawakan pa niya. May bahid na nga ring dugo ang kamay nito.

Siguro naman ay nagulat din siya sa itsura ko ngayon ano? O baka nagtataka na ito pero bakit hindi siya nagtatanong? Bakit tahimik lang siya at akala mo ay natural lang ang sa kaniya ang ganito?

Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon