Chapter Fourteen

6.5K 244 41
                                    

Alexandria


I keep chewing the side of my cheeks to control the dizziness I am feeling right now. My migraine is not good again kasi ngayon pa talaga siya dumating.

Lumabas ako ng sasakyan pagdating ko sa parking lot ng BLU.

Sa dinami-dami ng araw ay ngayon pa naisip ng ulong ito ang magkamigraine. Nakakairita at the same time nakakaubos ng energy ang sakit nito.

I saw Miss Liandro outside her car with her phone in her ears. May kausap ata siya.

Nalingon niya ako kaya ngumiti ako ng maliit dito.

Gaya ng naging usapan ay dito sa University na kami nagkita para magsabay ng magpunta ng Blackwood University.

"Good morning, Miss Liandro." Late ako ng limang minuto. Sabi niya kahapon ay 5 am sharp pero nalate naman ako dahil na rin sa migraine ko. Ang hirap bumangon at ang bigat ng ulo ko.

Tumango ito sa akin bago ko narinig na nagpaalam ito sa kausap niya. She's using another language a while ago that I can't even understand. Iyong goodbye niya lang ang naintindihan ko.

"Let's go?" Tumango ako. "Let's just use my car."

She opened the door in her driver's seat.

"Po? Gusto niyo ako na lang ang mag-drive sa ating dalawa?" Gusto kong tumanggi sa kaniya. Gusto ko kasing sasakyan ko na lang ang gamitin naming dalawa para maipagdrive ko siya. Kaso sa mga tingin niya sa akin ngayon ay malabong mangyari 'yon.

Lalo na't nauna na niyang sinabi na car niya ang gagamitin na parang desidido talaga siya.

"No, get in." Sabi ko nga 'di ba.

Kamot ulo akong walang nagawa na pumasok na lamang sa sasakyan niya pagkatapos kong i-lock ang sasakyan ko at kunin ang mga dalang gamit ko at nilagay sa backseat.

Tahimik kami pareho ng mag umpisa na itong mag-drive. Hanggang sa palabas ng BLU ay wala na talagang nagsasalita sa amin.

I simply massage my temple in frustration because of the pain I'm having in my head. This is such a disaster.

"Are you okay?" Patungo sa eskwelahan ng Blackwood University ay ngayon lang ito nagsalita muli.

Siguro kasi ay napansin niya ang paghilot ko sa sintido ko.

"Masakit lang po ang ulo ko, Ma'am but I am okay po. I still can manage." Sagot ko rito. I really want to drive for her kaso hindi man lang ako nito hinayaan.

Kung iyong akin sana na sasakyan ay baka pinayagan niya akong mag-drive, ano? Ang kaso she didn't let me.

I wanna argue sana at ipilit ang gusto ko but my migraine won't let me. Joke lang, her eyes say no na agad bago siya tumanggi e.

Nabasa ko na rin pala ang details kagabi na hiningi ko pa kay Mrs. Gonzaga through email. Hindi naman kasi pinasilip ni Miss Liandro ang hawak na folder sa akin kahapon.

Totoo ding dalawang araw nga talaga kami do'n. Dahil nga sa may mga dorm doon kaya hindi kami mahihirapan na doon mag i-stay.

There's a lot of important things that should be discussed so the meeting is too personal also. Iyon lang at hindi nakaindicate ang main subject ng meeting na ito.

"Ikaw po, Ma'am? Did you eat your breakfast po?" Tahimik na kasi siya e. Ayoko namang tumahimik lang kasi mas nararamdaman ko ang sakit ng ulo ko pag iisipin ko siya.

Baka nga sumabog na sa sobrang sakit e. Mawalan pa ako ng ulo.

Tahimik lang naman itong umiling sa akin bilang sagot sa tanong ko. Puro iling lang talaga siya e.

Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon