A/N: Trigger Warning! Must be aware of some words and scenes~
Alexandria
"Are you ready?"
Ate Sherez enter my room as I stare at myself in front of the mirror. Wearing my white crop top na may drawing na isang lotus sa harapan at high waisted jeans at puting sapatos.
I am not fond of wearing a dress. Pero minsan nagsusuot ako pag may importanteng okasyon. Iniisip ko na lang na isa lamang itong simpleng lunch with lolo at lola.
"Saan tayo kakain Ate Sherez?" Hirap akong magtanong. Kinakabahan sa p'wede nitong isagot.
Dito rin ako sa Mansyon natulog kagabi.
"Sa Lotus Belle." Napatingin ako kay Ate Sherez. Hindi mapakaniwala na doon talaga ang balak nilang puntahan. "Alex, kaya mo na bang magpunta doon?"
May pagdadalawang isip na tanong ni Ate Sherez. Tumitig lang ako sa kaniya. Trying to find the right words that I will say to her.
"Kaya ko. Kaya ko Ate Sherez." Labas sa ilong na sagot ko. Nginitian ko siya ng matamis para isipin niyang ayos lang sa akin.
Sa Lotus Belle.
I can't deny the fact that I'm so nervous right now.
I don't want to go.
I really don't want to go and get out of this room, but—
"Are you sure? Kapag hindi magsabi ka sa akin. Ready ka na ba?" I nodded at her.
"Yes, Ate." Halos mawalan ako ng boses sa pagiging garalgal ko. Umubo ako para ayusin ang sarili ko at ayusin ang boses ko. "Tara na po. Baka hinihintay na nila tayo."
For the last time, I heaved a sigh and curse myself multiple times.
Nakasunod lang ako sa likuran ni Ate Sherez hanggang sa makababa kaming dalawa. Deretso kami kung nasaan ang mga sasakyan naming dalawa. Pero hindi naman ako sasabay sa sasakyan niya dahil may dala akong sasakyan at after lunch ay uuwi na rin akong condo para magpahinga o baka hindi.
Baka ibang bahay pa ang uwian ko pagkatapos nito.
"Sunod ka na Alex ha. Ingat ka sa pag drive." I nodded to Ate Sherez. I feel my legs shudder and feel jelly. Parang hindi ko ito maihakbang palapit sa sasakyan ko.
"Ingat Ate." Iyan lang ang nasabi ko bilang sagot sa kaniya.
Binigyan niya ako ng sandaling malumanay na tingin bago ito pumasok ng tuluyan sa sasakyan niya at nauna ng umalis.
Ako naman ay pinipilit ang sariling pumasok ng sasakyan kasi grabe ang kaba ko. Grabe ang takot na nararamdaman ko. May pakiramdam ako na hindi ito magiging maganda pero wala naman akong magagawa.
Sa huli ay nagawa ko pa ring makapasok sa sasakyan ko at umalis ng Mansyon. Kung hindi ako gagalaw ay hindi ko malalaman ang mangyayari.
Kahapon nga after breakfast ay umalis din ang mga kaibigan ni Ate Sherez e. Marami pa daw kasi silang aasikasuhin. Nagpaalam din sila sa akin pero yung isa hindi. Umalis siya na may kasamang masamang tingin sa akin. Baka nga iyon na ang way niya to say goodbye yesterday.
Hindi ba't ang cute ng kasungitan niya? Nakakabaliw.
Mainit ata talaga ang ulo niya sa akin. Kung bakit ay syempre hindi ko alam. Wala naman siguro akong ginawa sa kaniya kahapon para bigyan at tapunan ako nito ng masamang tingin hindi ba?
Basta ako behave lang.
Hindi naman gaano ka-traffic kaya hindi rin ako nahirapan sa byahe. Hindi rin nagtagal ay nakarating na rin kami sa lugar kung saan kami mag la-lunch.
BINABASA MO ANG
Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)
Romance² [Second Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #1] Lotus Alexandria Gabriel is a Student at Black Lily University. Isang estudyante na pilit tinatakbuhan ang nakaraan subalit pilit rin siyang binabalikan. Until she met Miss Tala Liandro, a pro...