Chapter Thirteen

6.7K 228 33
                                    

Alexandria


Pinapaikot-ikot ko ang inuupuang swivel chair dito sa loob ng opisina namin. Tinigil ko lang ito ng makitang pumasok ang secretary namin.

"The project is already given to the Dean, Pres." I nodded to my Secretary Ms. Beatrix Lim. "Ibabalik na lang daw niya after niya pirmahan ang proposal."

"Thank you, Sec. Nasaan nga pala si Mia? Kanina pa siya wala e." Tanong ko rito ng hindi pa bumabalik si Mia, the Vice President. "I need to ask her about the Sports Day that will happen two weeks from now. Kasi may mga sinasuggest ang mga players and I know you also encounter it. What do you think about it?"

Simula kasi ng mag umpisa akong mag trabaho at pumasok ng office bilang isang Student Council President ay mas naging busy ako. Mas marami din ang ginagawa. Mabuti na lang at hindi ko napapabayaan ang klase ko pati ang panglalandi kay Miss Liandro.

Oo na, lantaran na nga ang pagpapakita ko ng motibo sa kaniya.

Wala na rin siyang magagawa kasi nga crush ko siya.

"Sumama siya sa ibang Council Pres. Para maghanap ng mga kakailanganin natin para sa Sports Day." I removed my eyeglasses. "And about sa mga players na nagsusuggest ng mga ibang booths or sports booth, I can say that it's a good idea para pag naghihintay sa mga laro amg mga bisita ay may pagkaabalahan muna sila."

I am thinking about it. May mga iba pa kasing hindi connected sa Sports Day ang sinasabi which is not a good idea. This is all about sports so we're gonna stick to that.

"Bakit ngayon sila nagpunta? Meron namang weekend for that. And If the booth is about sports, why not. We can talk about this pag kompleto na tayo. Wag lang ang hindi connected sa Sports Day." Tumango-tango ito sa akin. Naupo siya sa table niya at nagtipa sa laptop.

"Sure, Pres. Copy that."

"Alright then, I think we're done here for now. Call VP and asked if they are done. Have some rest. Masyado na tayong babad for today. You can go now and rest. Attend your class Sec kung meron pa." Ngumiti naman ito sa akin.

Natawa pa ako sa pagsaludo niya habang nag aayos ng gamit niya.

"Ikaw din, Pres. Mas busy ka kaysa sa amin e. Ikaw ang mas kailangan magpahinga." I chuckled lightly. Medyo sanay na rin naman ako sa mga ganitong mabigat na gawain. Kahit nakakapagod minsan at nagrereklamo na talaga ako ay masasabi kong ayos lang din.

Medyo napasimangot pa ako ng may maalala akong huling meeting ngayong araw.

"Pupunta pa pala ako sa High School building. May meeting ako do'n with their SSG." Kung meron kasi dito sa College na SSC ay meron din sa High School building. Especially those Senior High School na siyang parte ng Supreme Student Government nila.

"Oh that. Do you need help?" Umiling ako. "Sure?"

"Yes, Bea. It's okay, don't worry." Natatawa ako dito. Imbes kasi na umalis na siya e lumapit pa siya sa table ko at nilagay ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa ko.

"Sige, sabi mo ha. Call me when you need something then. Mauna na muna ako, Pres. See you around!"

Tuluyan na nga itong umalis at iniwan ako. Inayos ko na lang ang ibang gamit ko na dadalhin sa High School building mamaya at mga kakailanganin para sa meeting.

Ilang araw na nga akong busy. I even talk to Prof King to cancel the Battle of the bands dahil Sports Day naman iyon. Si Prof King ang may hawak sa amin na sinasabi namin.

Gusto kasi niyang isingit e marami din akong gagawin sa Sports Day at marami pa akong p'wedeng paghandaan.

So we decided to cancel it because even Mrs. Gonzaga agree with me. Wala ng nagawa si Prof King kung hindi ang iatras ang pagsali namin doon.

Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon