Alexandria
Nagsimula na ang gabi naming walang iniisip na pag aalala.
Masaya naming ine-enjoy ang gabi habang kumakain at nag iinuman kasama ang mga importanteng tao sa buhay ko.
Kanina nga ay natatawa ako dahil kanina rin ay napagalitan si Hera dahil nalaman nilang pinaglaruan at hinaluan nila ang tubig at juice ng mga alak.
At syempre, nasabihan din si Alicia dahil hinayaan niya si Hera. Si Tala ay napagalitan din dahil tatlo pala silang magkakasama kanina. Hindi nga ako makapaniwala dahil pakiramdam ko ay naging kunsintidor pa ito sa kalokohan ni Hera. Silang tatlo pa talaga ang nagkasama.
Tahimik lang akong nakikisali sa kalokohan nila habang may balot ang braso ko ngayon. Hindi ko naman nararamdaman ang sakit kaya ayos lang. Hindi ko na nga din gaano pinapansin para hindi masira lalo ang gabi at hindi ko maalala ang dahilan kung bakit ako mayroong tama ng baril ngayon.
Napatingin naman ako sa gilid ng makita si Alicia na maayos nakaupo at nakataas ang nakacross legs niyang mga paa. Suot ang sando at brown na maluwang na pantalon. May eyeglasses ito at tahimik na nagbabasa ng libro. Sa kabila ng ingay ng mga kasama at tugtog ay naroon siya may sariling mundo hawak ang libro. Imbes na makisaya sa amin ay nandoon siya at busy sa pagbabasa ng libro niya.
Typical Alicia Santillan.
Isa-isa ko silang tinitignan.
Napalingon naman ako kay Mrs. Hermoso na nakatitig lang kay Ali habang umiinom sa hawak nito. May pagtataka at amuse itong nakatingin sa kaibigan ko. Totoo nga ata ang sinabi ni Saging.
Alicia has Mrs. Hermoso's interest.
Galaxy got my attention because she is singing her heart out kasabay si Ate si Summer. Naglabas kasi kami ng videoki kanina para mas mag enjoy kami. Kaso naglalabas ata sila ng sama ng loob sa paraan ng pagkanta. Mukhang nagwawala ang mga ito sa sobrang saya.
Bukas pa naman ang birthday ni Ate Sherez pero sasalubungin kasi namin ito at bawal ang matulog.
Masaya ding nagkukuwentuhan sila Ate Jirin at Lian kasama sila Ate Toni at sa panggugulong ginagawa ni Saging sa kanila.
Katabi ko ngayon si Miss Liandro na tahimik ding umiinom. Kasama ko ngayon sila Chabelita, sila Leo na maya't mayang lumilingon sa akin. Hindi pa sila tapos sa nangyari sa akin.
Sila Ate Hydra kasama sila Hera ay naglalaro sa gilid at nagkakasiyahan.
Ang dami namin.
"Alex." napalingon ako sa pagtawag ni Carli sa pangalan ko. Sa wakas nagsalita na sila. Akala ko ay mananatili lang silang nakatingin sa akin at pipigilan ang magtanong. "Sure ka bang galing sa magnanakaw 'yang tama mo?"
Nag aalalang tanong nito sa akin na ikinailing ko at tumawa pa.
"Of course."
"How sure are you? Saan ka ba galing?" I smile at Carli. "Bigla ka kasing nawala kanina."
"Galing ako sa likuran ng bahay. I just saw them so I fight." Hindi naman na ako nagsisinungaling e.
"Them? Ilang sila?"
"A lot."
"Magnanakaw?" I know hindi niya ito ipapagsawalang bahala ng basta-basta.
"Every piece of truth will come out soon, Carli." Matamang nakatitig lang sa akin ang kambal at si Chabelita. Napa sigh na lang si Leo na parang hindi makapaniwala. Siya itong medyo biglang naging tahimik sa nangyayari. "Soon, maghintay na lang tayo."
"What kind of truth?" That's Chabelita. "Something is being weird with you lately and now, you have your wound from a gun."
Nag aalala sila, alam ko naman e. Pero wala naman na akong magagawa. Huwag muna ngayon.
BINABASA MO ANG
Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)
Romance² [Second Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #1] Lotus Alexandria Gabriel is a Student at Black Lily University. Isang estudyante na pilit tinatakbuhan ang nakaraan subalit pilit rin siyang binabalikan. Until she met Miss Tala Liandro, a pro...