Alexandria
Enjoying myself with the music I have right now, listening to it using my earphone, headbanging softly while walking in the long path papasok ng Aurum Building.
I smile cutely when I saw my friends in the hallway, kaya mabilis din akong tumakbo papalapit sa kanila.
Without knowing na nasa harapan nila ang Propesora namin sa unang klase na si Miss Liandro.
Wednesday na naman kasi ngayon.
"Uy! Alex!" Malakas na tawag sa akin ni Chabelita ngunit—
"Aray, aba naman Chabelita. Kailangan may batok? Ang aga-aga para manakit ng maganda." Reklamo ko dito pagkatapos akong batukan ng medyo malakas.
Masakit kaya 'yon. Pakainin ba naman ako ng batok sa umagang ito. Naalis pa nga ang earphone sa tainga ko dahil sa lakas ng batok na 'yon.
tinago ko na lang tuloy ang cellphone at earphone.
"Loka! Dalawang araw kang absent! Wala ka din sa Condo mo at hindi ka makontak, saan ka ba nanggaling?" Takang tanong nito. Tumingin ako sa harap para makita ang babaeng namiss ko atang makita. "Hindi ba't nagpunta ka kila Ate Sherez?"
Alam kong narinig kami ni Miss Liandro dito sa likuran niya pero tahimik lang itong naglalakad. Alam ko nagtataka rin ito sa naging kilos ko noong araw na 'yon.
At oo, kaninang madaling araw lang ako umuwi sa Condo galing sa Tagaytay. I stay there para magpahinga muna, something like that.
Wala akong kinontak na kahit sino para naman kahit papaano ay maging tahimik ang isipan ko.
At hindi naman na nila kailangan pang malaman ang nangyari noong sabado, kung saan ako nagpunta, o kung anong ginawa ko pagkatapos kong takbuhan ang lunch namin nila Ate Sherez.
"May pinuntahan lang ako pagkatapos ko kila Ate Sherez." Kibit balikat kong sagot. Alam kong hindi sila naniniwala dahil hindi ko ugali ang biglang mawala.
Hindi nga ba? Sarili ko ata ang binibiro ko.
"Hinahanap ka ni ate Toni sa akin." Si Carli na tahimik lang na naglalakad at nakikinig. Si Ate Toni? Nakapag usap siguro sila ni Ate Sherez at sinabi ang nangyari noong Sabado.
Sana naman ay hindi sila mag isip ng kung ano.
"Pati si Ate Sherez na may kasamang chikababes." Napabuntong hininga ako ng malalim. "Kung galing ka kay Ate Sherez ay dapat hindi ka niya hahanapin 'di ba?"
Ang dami nilang tanong at napapansin. Syempre iisipin nilang nagsabi ako kay Ate Sherez kung saan ako pupunta o kaya kay Ate Toni. Pero wala, walang pinagsabihan maski isa.
"Si Ate Lian ang kasama no'n, Leo. Wag mong tawaging chikababes." Parang tunog babaero kasi itong si Leo. Hindi talaga siya nasusuway kahit minsan.
"Babaero kasi 'yan." Segunda ni Carlo. Totoo naman din e.
Pumasok kami sa loob ng classroom, naunang pumasok iyong propesora namin. Tahimik lang ito at seryosong nagbaba ng mga gamit.
Hindi ko na din namalayan na isang buwan na rin pala ang nakalipas. Sobrang bilis lang din ng araw at oras. Nagmamadali ata masyado.
Pagkaupo sa mga tamang upuan ay pinapanood ko lang ang Propesora namin na nag aayos ng gamit sa harapan bago ito humarap sa amin.
Sandaling nalingon ako nito. Ngingiti sana ako pero mabilis siyang nag iwas.
Kung siya lang din ang magugustuhan ko at magpapabaliko sa akin ay magiging masaya pa ako.
"The Sports Day is coming." Umpisa nito. Tahimik na ngumiti ang mga kaklase ko, hindi sisigaw 'yang mga iyan dahil magagalit ang propesora namin.
BINABASA MO ANG
Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)
Romance² [Second Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #1] Lotus Alexandria Gabriel is a Student at Black Lily University. Isang estudyante na pilit tinatakbuhan ang nakaraan subalit pilit rin siyang binabalikan. Until she met Miss Tala Liandro, a pro...