Alexandria
Pagkatapos noong araw na nagpunta kami ni Miss Liandro sa Blackwood University ay naging busy na naman ako. Sunod-sunod ang mga kalbaryo este activities at trabaho sa pagiging SSC President ko at syempre bilang isang estudyante sa mga klase ko.
Speaking of Miss Liandro naman ay sa tingin ko iniiwasan na niya ako. Hindi ko lang masigurado dahil hindi ako makapasok sa mga klase ko sa kaniya.
May binibigay lang for modules para makahabol ako at still complying projects and activities kahit sa mga ibang klase. Of course, as SSC President hindi lang dapat responsibilities ko sa pagiging SSC ang gagawin ko. I'm still students who want to pass all subjects.
Ang dami kasing nangyari kaya hindi ko talaga alam. Tuwing makakasalubong ko kasi siya ay bigla na lang siyang liliko ng daan. Kung hindi naman liliko ay hindi ako papansinin pag kakausapin ko siya.
Halatang iniiwasan ako e.
For now, we are preparing for the booths and games na ina-approve-an ko na last week na napag usapan ng buong council.
Naglilibot ako ngayon to check those booths na tinatayo nila. I even check those athletes na sobrang busy sa pag p-practice. Ang Blackwood University at ang iba pang apat na eskwelahan ang makakalaban nila kaya siguro ganito sila kabusy at sobra sa paghahanda. Ako naman ay busy para sa maging maayos ang lahat at walang maging problema.
Gusto ko rin mag enjoy kahit papaano sa isang linggo ng Sports Day na 'yan kahit alam ko na mag lilibot ako to check students kasi mas marami ang magugulo at pasaway na students sa araw na 'yon.
Sa kakaikot ko ay nahihilo na ako. Wala na ata akong energy dahil na rin sa sakit ng ulo ko. Nanghihina pa ako nito at may pakiramdam na baka mahimatay pa ako nito ng wala sa oras. Pero huwag naman sana.
I stay sa harap ng isang booth dito sa may field and rest for a while.
"Pres, galing ako sa Argenti Building, may mga naghahanap sa 'yo pero sabi ko ay may ginagawa ka pa." Iyon ang naging bungad ni Bea sa akin ng makita ako dito sa gilid ng field.
"Sino daw?" Takang tanong ko naman sa kaniya. May inabot siya sa aking folder na binuksan ko at binasa.
"Sila Miss Alicia po." Muli akong napatingin kay Bea.
Sila Alicia. Is this about the band or iba kaya?
"Ow, thank you, Bea. Where's Mia? Is she done with her lunch?"
"I'm back! Tapos na sa Lunch. Mag lunch na rin po kayo, Miss President." Biglang pagsulpot ni Mia.
I saw Mia sit not far from where I am sitting here in the field. Pinauna ko na kasi silang mag lunch dahil sa marami kaming ginagawa lalo na ako.
Tumayo na ako at nag ayos ng gamit.
"Vice, Sec, magla-lunch muna ako at baka magpahinga lang muna din sandali. Tawagan niyo lang ako pag may problema." Sumaludo naman ang dalawa na ikinatawa ko na lamang. Ang hirap mag reklamo sa harapan ng mga 'to at sabihing hindi maganda ang pakiramdam ko.
"Yes, Pres." Sabay pa nilang sigaw sa akin bago sila nagkatinginan at tumawa sa isa't isa.
Tumango na lang ako sa kanila at dumeretso sa sa cafeteria to eat. Pakiramdam ko ay sasabog na din ang ulo ko sa sobrang sakit nito. Ilang araw na rin kasi akong may migraine.
Hindi talaga ako nito tinantanan.
"Alex! Dito!" I smile weakly when I saw Chabelita shout my name. The gang is now complete. Tuwing break at lunch ay magkakasama talaga sila. Mabilis lang din akong naglakad papunta sa kanila.
BINABASA MO ANG
Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)
Romance² [Second Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #1] Lotus Alexandria Gabriel is a Student at Black Lily University. Isang estudyante na pilit tinatakbuhan ang nakaraan subalit pilit rin siyang binabalikan. Until she met Miss Tala Liandro, a pro...