Chapter Six

7.1K 260 22
                                    

Alexandria


Usual noise pollution can be heard inside this cafeteria. I am getting annoyed with some shouts, and pang aasar from other students.

They are bothering my lunch.

"Alex, naalala ko ha. Hindi ba pinagstay ka ni Miss Liandro no'ng Monday after class sa kaniya?" Napafacepalm ako. Akala ko ay hindi na nila iyon maaalala pa.

"Binalik niya sa akin 'yong hinahanap kong notebook." Kibit balikat ko dito.

"Talaga? Paano napunta sa kaniya?" I Mentally sigh. Kahit naman ako ay tanong ko 'yon sa kaniya but she won't answer me nicely. Hindi pa ako nagpuntang library so I know she's not telling the truth. Hindi ko lang talaga pinansin 'yon.

Hindi ko sinagot ito ng may isang lalaking lumapit sa amin dala ang isang bulaklak.

Humarap ito sa akin kaya isang ngiwi ang pinakawalan ko sa taong ito. Nandito kasi kami sa Cafeteria dahil lunch na nga.

Inaabot ng lalaking ito ang hawak na bulaklak.

Para sa akin nga.

"A-ah, para kasi sayo 'to A-Alex." Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Ayoko ng flowers dahil nalalanta din naman at mahal. Sa dami ng lugar ay talagang dito pa sa Cafeteria niya binalak magbigay kung saan maraming tao.

Hindi ko gusto ng ganitong mga atensyon pero minsan hindi naman mapigilan kaya wala akong choice.

"Pre, bakit bulaklak?" Tanong ni Carlo sa kaniya na nagtaas ng tingin habang hawak ang maliit na libro niya. "Tsaka anong course mo?" At mag uumpisa na naman silang mag interview na akala mo mga NBI.

"T-Tourism Management po." Halata naman sa suot niyang Polo shirt at sa nameplate na suot ang course nito.

Every course has a different Polo shirt that is assigned. And may pinakamain Uniform kami to show that we are from BLU. We are using that main uniform every Monday and Thursday.

"Matataas na naman ba ang mga grado mo?" Natatawang tanong naman ni Chabelita. Ang dami nilang tanong pero hindi ko rin naman kukunin ang bulaklak.

"Ay pasensya na pre ha. Basted ka na agad niyan pre kasi ayaw ni Alex sa bulaklak e." Humalakhak ng malakas si Leo na tila nang aasar sa lalaking namumula na ang mukha sa hiya.

Binaba niya ang hawak na bulaklak at hindi mapakaling nakatayo na lang sa harapan namin.

"G-Ganoon ba? Pasensya na A-Alex. H-Hindi k-ko kasi alam." Para naman itong hindi lalaki dahil sa pananalita niya. Kanina pa kasi siya nauutal e tao rin naman akong nakaharap sa kaniya.

Tumango lang ako sa kaniya at balak sanang paalisin ng gumalaw si Chabe at hinablot ang bulaklak na hawak ng lalaki kaya napatingin kami sa kaniya.

Medyo conscious na rin ako dahil maraming nakatutok sa amin na mga mata.

"Chabe! Anong ginagawa mo?" Taka kong tanong dito. Nginisihan lang naman niya ako.

Kung ano-ano na naman ang mga trip nila. Imbes na paalisin na lang ang lalaki ay parang pinagtitripan pa nila.

"Mahilig ako sa bulaklak kaya akin na lang para hindi sayang. Salamat ha?" Halos masapo ko ang noo sa sinabi ni Chabelita. Talaga nga namang nagpasalamat pa siya at halos yakapin na ang bulaklak.

"Ako din, mahilig sa bulaklak. Salamat din pare!" Inagaw naman ulit ni Leo sa mga kamay ni Chabe ang bulaklak at inamoy-amoy na parang tanga. Ako ang nahihiya sa mga kalokohan ng mga ito e. "Bakit walang amoy?" Nagtataka pa niyang tanong. "Ayaw ni Alex ng kahit anong bulaklak. Wala siyang hilig diyan. Wag na kayo magtangkang magbigay." Itinaas ni Leo ang bulaklak at hinampas sa tumahimik ng si Carlo na nagbabasa sa tabi.

Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon