Chapter Seventeen

6.3K 246 34
                                    

Alexandria


I am with the gang right now except Carlo. Nagsimula na ang Sports Day at ito na ang unang araw ng Sports Day pero ngayon din ang laban niya. Nandito kami sa ground dahil nga sa football ang laro ng lalaking 'yon.

Some sports have already done kaninang umaga. They are now resting and waiting for the next day para sa bagong laban sa sunod na eskwelahan.

It's already 2 in the afternoon. Kaninang umaga naman ay naging busy ako sa paglilibot to check all the booths, and games and check students. Gez, ang Sports Day ay dapat for sports lang, some booths that I'm talking about is about sports pa rin. They sell things about sports although I don't want to agree with it pero pinagkaisahan ako ng mga kapwa council kasi ang magiging kita naman doon ay dadalhin sa bahay ampunan.

Noong una ay para sa eskwelahan that's why I'm so against it. Mayaman na ang eskwelahan so before I agree sa pagpipilit nila, I asked to give the money to the orphanage.

At least they all agree.

Mrs. Gonzaga talks to the ROTC to check students and magbantay dahil nga sa mga mayroong students na pasaway.

Hindi kasi kakayanin kung kaming mga SSC lang ang mag aasikaso sa lahat dahil marami rin kaming bisita na kargo pa namin pag may nangyaring masama sa kanila.

"GO, CARLO! GO! GO! GO! GO!"

Seriously?

Hindi ko alam pero gusto kong sapakin si Carli at Chabelita na pinagitnaan pa talaga ako habang sumisigaw silang tatlo ni Leo. Sobrang ingay na nga ng mga estudyante ay talagang nakikisabay pa silang mag ingay din na akala mo mga takas sa mental. Although they are supporting Carlo but wag naman na sana nilang lamangan ang mga fans na sobrang ingay daig ang microphone.

Lalo na si Leo at Chabelita na parang may microphone na rin ang bunganga sa sobrang ingay. Kanina pa nag umpisa ang laro at huling minuto na bago matapos.

Alam ko naman na sila na ang mananalo, una palang ay nagyabang na ang kalaban at ngayon ay tambak na tambak na sila.

Carlo seems so happy while playing and running on the field. Pawisan man ay halata ang saya sa ngiti nito.

Mas lalong lumalakas ang sigawan sa tuwing ngumingiti siya kaya halos takpan ko na rin ang tainga ko dahil mukhang masisira pa ata ang pandinig ko.

"Owemji! Nanalo sila! WAHHHHH! GO CARLO! GO TEAM GENERAL! GO! GO!"

Isang malakas na tili mula sa fans ng General, ang team nila Carlo ang naririnig, kasabay ng sigaw ng tatlo kong kasama. Napangiti ako ng makitang binuhat pataas si Carlo at binabato pataas.

Nanalo sila.

Basta si Carlo ang nasa field, siguradong mananalo sila. Hindi sa mayabang pero he's a pro pagdating sa football. Parang buong buhay na ata ang inalay niya sa paglalaro ng football e.

Nasabi rin kanina ni Mrs. Gonzaga na may mga ibang sports ang nagtuloy-tuloy sa laban na hindi na napanood pa. Basta limang University ang kalaban ng eskwelahan namin at isa na rito ang Blackwood.

If you all asking what kind of sports we have here, they are many. Syempre hindi mawawala ang Basketball, Volleyball, Football, and Badminton. Marami pang iba na pinagkakainteresan na ng halos lahat ng estudyante.

Puro kasi sila may talent sa sports.

Nakita kong tumakbo palapit sa amin si Carlo at maagap na niyakap kami ng tuluyan na niya kaming nahawakan.

"Panalo! Libre mo kami mamaya, Leo!" Sigaw iyon ni Chabelita. "May nakita kaming cupcakes sa cafeteria!" I facepalm, sino pa nga ba? Si Chabelita pa rin na sobrang mukhang pagkain. Cupcakes agad ang sinasabi.

Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon