Alexandria
I am currently inside my room while talking to Elliot. Nasa labas naman ang mga kasama ko at naghahanda para sa mga plano mamaya.
Kabado din ako dahil alam kong baka magkagulo dito kung sakaling hindi mapigilan ang pagsugod nila. Nasa labas pa rin daw ang mga kalalakihan na nagbabantay sa akin na may balak pasukin ang rest house namin. Mas dumami pa daw sila at hindi na gaya kaninang umaga.
Hindi ito magandang ideya dahil nandito sila Miss Liandro. Hindi ko rin gugustuhin na may mangyari sa kanilang masama.
Lalo na talaga kay Miss Liandro, baka mapano pa siya.
Kaya naman namin ang sarili namin pero paano ang iba? Magpapanic ang mga 'yon at baka mas lalong mapahamak sila.
"Hindi dapat sila dito sumugod, Elliot." Sagot ko kay Elliot na biglang tumahimik sa kabilang linya.
["Kung ganoon ay kailangan mo silang ilayo diyan, Alex. May gubat sa likuran ng rest house niyo hindi ba? Dalhin mo na lang sila doon. Maganda ata kung doon na lang, pipigilan na lang din ng mga ilang tauhan natin ang mga gustong lapitan ang mga kaibigan mo. Ikaw bahala sa iba."] Totoo din naman. Maluwang ang forest sa likuran at magandang ideya na ilayo ang ibang tauhan ng tatay ko sa mga kaibigan ko.
Mas mahirap kung madadamay pa sila.
"Basta siguraduhin mong may maiiwan para sa mga magbabantay kila Ate Sherez. Nandito naman sila Alicia pero mas gusto ko 'yong sigurado." Sila Alicia, Amanda, Hera, Cathrice, and Patrice can do the work by protecting them pero mas important na walang makalapit sa kanila kahit na isa. I still want a protector from them. "And make sure na wala silang mapapansin na kahit na ano, Elliot. Lalo na sila Ate Sherez."
["Oo naman. Madali lang iyon. O sige, tatawag ako ulit pagkatapos. Kakausapin ko muna ang mga maiiwan para sa mga magbabantay kila Ate Sherez."]
"Noted." Ayokong patagalin ang lahat pa. Kung narito na sila e di sige. Tulungan nating tapusin ang misyon nila dito pero sa paraan na sila ang mauubos at matatapos.
Hindi naman p'wedeng ako ang matapos dahil hindi ako papayag. Hilahin ko sila paimpyerno kahit hindi sila welcome doon.
Sa sobrang kademonyohan pati impyerno tinatakwil sila.
Kinuha ko ang isa pang baril sa ilalim ng higaan ko at nilagay ito sa bewang bago kumuha ng maraming bala sa drawer. Narinig ko pa ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko.
"Come in." Inaabala ko ang sarili sa pagpatay ng laptop at nag send ng mensahe kay Elliot. Hindi lang naman ako ang mag isang pupunta sa gubat na 'yon.
Nandoon naman si Elliot at ang mga kaibigan nitong takas sa mental na tauhan niya. Sila ang patagong mga sasama sa akin.
Hindi naman kami p'wedeng gumalaw ng basta-basta at walang plano. Ayoko pa naman mamatay ng maaga.
Hindi rin p'wedeng ako lang ang pupunta ng mag isa doon. I can protect myself but not this kind na sobrang dami.
"Ikaw pala Alicia." She stares at me. Hindi ko pinansin ang tingin niya at inayos na lamang ang baril na dadalhin ko.
"May pupuntahan ka ba?" Napalingon ako muli sa kaniya. Napapahinga ako ng maayos dahil akala ko si Ate Sherez na naman ang kumakatok. Mabuti nga at si Alicia e. "Where are you going?"
Napansin ko rin ang oras na ala sais na at medyo madilim na sa labas. Siguro ay oras na para gawin ang plano ng matapos na rin ang lahat.
Komportable kong kinuha ang silencer sa loob ng bag at inilagay sa isang baril na nasa likuran ko. Itong baril na nakita ni Miss Liandro kanina. Mabuti at hindi siya natakot dahil nagtaka lang ito.
BINABASA MO ANG
Save Me, Miss Tala (ViPe Series #1)
Romance² [Second Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #1] Lotus Alexandria Gabriel is a Student at Black Lily University. Isang estudyante na pilit tinatakbuhan ang nakaraan subalit pilit rin siyang binabalikan. Until she met Miss Tala Liandro, a pro...