Chapter 05

18 2 0
                                    

Chapter 05

**

Gulong-gulo ang isip ko habang hawak hawak ang bulaklak sa kamay ko. Nakita ko pa ang pagtitinginan ng ibang estudyante sa'kin o sa hawak kong roses? Hindi ko alam basta ang hindi ko lang maintindihan kung bakit niya ako binigyan ng ganito.

Seryoso ba talaga siya sa sinabi niyang siya ang magbibigay sa'kin ng mga ganong bagay? Damn! My head hurts!

Mabilis na lang ako pumasok sa classroom at pilit na inalis sa isip ko si Natanius. He's giving me a heart attack and I hate it. Pakiramdam ko parang may something sa puso ko na pumipitik.

"Akala ko ba hininto na ang panliligaw sa kaniya ng madami? Bakit may dala siyang bulaklak kanina?" Palabas sana ako ng classroom ng marinig ko 'yon.

Napatigil ako sa paglalakad ng dahan dahan at pinakinggan ang usapan nila. Are they pertaining to me?

Medyo naiinis ako kapag naiisip ko na kung bakit kailangan lahat ng galaw at kilos mo sa isang lugar ay may mata agad at ichi-chismis sa mga kakilala. Hindi ba puwede na kung anong makita nila ay tahimik na lang at hindi na pag usapan.

Bumugtong hininga ako.

"Baka naman bigay ni Vergara! Hindi ba gusto no'n si Miss President?"

Aware naman ako sa nararamdaman sa'kin ni Gio at hindi ko naman siya binawalan na gustuhin ako dahil wala naman akong magagawa para ipatigil 'yon. Khelgio is kind and I couldn't hurt him, he's precious and one more thing he accepted the friendship.

"We're not sure about it. Malay mo trip lang nila si Nille kasi nahahalata mo naman sobrang inosente!"

"Atsaka baka feeling niya may gusto sa kaniya si Nat dahil lang lagi siyang tinutukso nito!"

Napuno ng tawanan hanggang lumayo na ang boses ng mga nagsasalita kanina. Napahinga ako ng malalim at lumabas ng classroom. I don't know how to react. Napahawak ako sa pader ng classroom at pakiramdam ko ay may kumirot sa puso ko. Hindi dahil sa mga sinabi nila kung hindi sa ideya na bakit kailangan na bawat kilos mo ay kailangan may masabi.

I'm with a poker face while looking on the list of names. Tinitignan ko ang report sa'kin ng mga taga monitor ng school kung anong ganap. Wala naman masyadong naganap na away at maayos na ang pagtatapon nila ng basura kaya improving pa rin 'yun sa school.

Huminga ako ng malalim.

"Nasaan 'yung report ni Natanius Demercibal?" I asked Laureen.

I remember that he volunteered himself to monitor the troubles in the University but it looks like he was just kidding. Dahil kung seryoso siya bakit wala siyang report na binigay ngayon?

"Miss Pres, nandito 'yung kay Nat! Dinaan niya kanina dito. Hinahanap ka nga ang kaso sabi namin hindi ka pa pumapasok," Ani Daniel na ngayon ay inaabot sa'kin ang folder.

Napataas ang kilay ko at mabilis na kinuha ang folder. I opened it and scanned the paper. Mukhang wala naman siyang report na may trouble kaya sinarado ko 'yon pero bago ko pa masara ay may nakita akong nakasulat.

Date me, Nikkisha. Please?

Nanlalaki ang mga mata kong sinarado ang folder. Umayos ako ng umupo at sumilip-silip sa paligid kung may nakatingin at nakapansin ng naging reaksyon ko.

Damn this man! Kahit kailan talaga ay ayaw na ayaw akong tantanan. Pati ba naman sa pagpasa ng report ay ganon pa rin ang gawain. Paano kung binuksan ng mga kasama ko sa organization 'yung folder, tapos nakita nila ang nakadikit na sticky notes do'n? Bibigyan talaga ako ng problema ni Natanius!

"Okay lang, Pres?" Tanong ni Yuna.

Tipid akong ngumiti at tumango, "Oo naman. Medyo pagod lang ako these past few days."

Maybe Someday (Demercibal Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon