Chapter 01
**
Kanina pa ako naiinis sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko galing sa unknown number. And I know it was Natanius. Siya lang naman ang nakuha ng number ko kaya bakit hindi na ako magtataka kung bakit ganito niya ako tadtarin ng text messages ngayon.
After he texts me, he'll call. But when I was about to decline the call, binababa niya na agad kaya mas lalo akong nafru-frustrate sa kaniyang ginagawa.
I got my phone and I heavily and immediately typed a short message for him.
Me:
Could you please stop texting? You're disturbing me.
I hit the sent button.
Itinuon ko ulit ang aking mga mata sa librong hawak ko. I'm reading about law, siguro noon ko pa gustong maging law student pero nung tumungo akong college ay nagbago ang isip ko. I just want to become a business manager.
Mabuti na lang talaga ay hindi ko naging kaklase si Natanius dahil nasa kabilang kuwarto lang siya.
I was supposed to drink my milk but my phone vibrated again. I rolled my eyes, ibinaba ko muli ang baso ng gatas para mareplayan ang message ni Natanius.
Unknown Number:
I know, Nikki. You didn't save my number just wanna say that save it now. And last, why would I stop texting you? This is my reason why I get your number to have a non-stop text with you.
For a second try, I rolled my eyes again. I closed the book because I know I couldn't read properly when I know Natanius will distract me.
Me:
I'll block you. You're disturbing me. I'm reading a book, okay? Puwede iba na lang ang pagtripan mo?
Inis na inis ako habang pinipindot ang keyboard. Kung hindi lang kasi sinagaw ng pinsan ko ang aking number ay baka hindi pa iyon nakuha ni Natanius.
But how could it be possible?
Sa lahat ng tao na nasa hallway ay rinig na rinig si Eurika sa kaniyang pagsabi ng aking number. Wow. Good thing but still bad, si Natanius lang nakakuha.
He's really a monster!
Nakakainis na siya! Wala na siyang alam ibang pagtripan kung hindi ako! Sa dinami-dami naman ng may gusto sa kaniya sa Davisian University ay ako pa ang napiling pagtripan.
My phone chrimped.
I ruffled my hair because of too much frustration. Siguro ay hindi niya ako titigilan i-text kung hindi pa ako humihintong nagrereply sa kaniya.
Unknown Number:
But I want you. You're the one I want to keep in touch with.
I felt my cheeks turned into crimson. What kind of touch is he talking about? Hindi niya ba alam na naiinis at naiilang na ako rito sa kinauupuan ko dahil sa mga text messages niya?
Me:
Then bye! Don't text me anymore. Hindi na ito si Nille. She's sleeping already so don't disturb her, okay?
I turned off my phone. I didn't shut it down, I just turned off the lights. Binalik ko ang tuon ko sa libro at binuksan iyon. Before I read the first line, my phone started ringing.
Dahil sa inis ko ay sinarado ko ng pabagsak ang libro at mabilis na kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag ni Natanius na alam kong siya pa rin ito dahil unknown number.
"What do you want? I told you-"
"I thought, Nikkisha's already sleeping?" he cut me off. "Who is this?"
BINABASA MO ANG
Maybe Someday (Demercibal Series #3)
RomancePopular. Beautiful. Sexy. Charming. Ilan 'yan sa katangihan ng isang Nille Hermosa na nag aaral sa Davisian University. Madaming lalaki ang humahanga sa kaniya at kaliwa't kanan ang pagbibigay sa kaniya ng mga bulaklak, love letter, at kung ano pang...