Chapter 10
**
Nakatungkod ang kamay niya sa baywang habang ang isang kamay ay hawak-hawak ang hose. Sumusulyap-sulyap siya sa'kin at biglang ngingiti kaya napapaiwas na lang ako ng tingin.
"This work is... not that bad, huh?" Sambit niya at pinatay ang tubig ng hose.
"Hindi mo naman kailangan-" He cut me off.
Bastos talaga!
"What is next, Nikkisha? Tapos na ako magdilig ng halaman. Malinis na ba mga plato niyo? May wawalisin pa ba sa loob?" Sunud-sunod niyang tanong.
Inirapan ko siya, "Tapos na lahat. Wala ka naman na talagang gagawin dito dahil patapos na kami ni Mama nung dumating ka."
Napakamot siya ng ulo at bahagyang ngumuso. "Am I late? Dapat pala inagahan ko 'yung pagpunta."
"Hindi naman kita pinapapunta, Natanius."
Hindi niya ako pinansin at nagmasid-masid pa sa paligid kung mayroon pang lilinisin. Nagsimula siyang maglakad para tignan ang mga alagang halaman ni Mama.
"So, your mom loves plants?" He asked.
"Obviously, Natanius."
Tamad niya akong tinignan pero maya-maya ay tumawa na siya. "Ang sungit mo naman, Mahal."
Bumaliktad ang tiyan ko ng marinig kong tinawag niya ako sa ganon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nakaramdam ako ng saya sa narinig pero pinagsa-walang bahala ko 'yon.
"I should give her more flowers." He suggested.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Manahimik ka, Natanius. Madami ng halaman si Mama."
"Then should I make a garden for her?" Kunot noo niyang tanong.
Mabilis akong umiling. "Hindi mo kailangan gawin 'yon. Hindi rin naman tatagal 'yon kung sakaling papagawa ka dahil pinag aagawan pa nila ang lupa na 'to."
His lips parted, "Pinag aagawan?"
Tsismoso.
I nodded my head. "Simula nung nawala si Papa, 'yung mga kapatid niya gustong kunin 'tong lupa dahil wala naman daw pinamana kay papa."
Tumango-tango siya at nag iisip. Hindi ko alam kung ano 'yun pero hinayaan ko na. Buti na lang din ay dumating si Mama para papasukin kami sa loob. Kitang-kita naman kay Mama na masaya siyang kasama ko si Natanius.
"Salamat, Tita Mina." Nakangiting sabi niya pa nang ipagluto siya ni Mama ng miryenda.
Humalukipkip ako at umirap sa kawalan. Feel na feel niya rin ang pagtawag ng Tita, akala mo talaga gusto na siya ni Mama para sa'kin at isa pa hindi naman ako pumayag na ligawan niya ako. Nagkusang loob lang siya.
"Masaya akong nililigawan mo 'tong anak ko." Malawak na ngiti ang ginawad ni Mama, "Bagay na bagay kayo!"
My eyes widened.
"Ma!" I hissed.
Natanius slightly laughed parang tuwang-tuwa na bata na nabilhan ng gustong laruan. Halos namula rin ang kaniyang tainga.
"Oo naman, Tita Mina. Partner nga kami sa Mr. and Ms. DU." He said with excitement in his voice.
Napataas ako ng kilay, "Partner? Didn't you drop down the-" He cut me off.
"Ang sarap nitong baked mac mo, Tita." Pinutol niya ang sasabihin ko at ngumisi pa sa'kin.
I gave him a death glare.
"Talaga? Gusto mo panggawa pa kita at patikim mo kina Mayor at Vice Mayor? Magugustuhan kaya nila 'yung luto ko?"
Napasapo ako sa aking noo. "Ma, ano ba?"
BINABASA MO ANG
Maybe Someday (Demercibal Series #3)
RomancePopular. Beautiful. Sexy. Charming. Ilan 'yan sa katangihan ng isang Nille Hermosa na nag aaral sa Davisian University. Madaming lalaki ang humahanga sa kaniya at kaliwa't kanan ang pagbibigay sa kaniya ng mga bulaklak, love letter, at kung ano pang...