Chapter 09

16 2 0
                                    

Chapter 09

**

Pareho kaming hindi nagsasalita sa loob ng kotse niya. Mula sa labas, rinig na rinig pa rin ang ingay sa loob ng bar. Hindi ako nakaimik matapos ng mga sinabi niya sa'kin. Halo-halo ang emosyon ko, ang mga sinabi niya, ang nararamdaman ko ngayon, at ang halik na ginawa niya sa'kin.

Nalasing ako. Hindi sa alak, kundi sa halik niya.

Ilang beses kong minura sa isip ko ang mga sinabi ni Natanius. I badly want to get out of this, I feel suffocated when I am with him. I couldn't understand my feelings and I don't want that thing.

How could he fell for me? Hindi ko naman naisip sa buong pag aaral ko sa DU na may gusto siya sa'kin. All I knew is he loves teasing me. 'Yun lang! Lagi niya akong inaasar kaya hindi ko maiisip na magkakagusto siya sa'kin.

Is he teasing me or am I just dreaming?

"Nikkisha..." He called me using his soft and calm voice.

Muli akong ginapang ng kaba sa kaniyang boses. I pressed my lips, I couldn't talk! I lost my words. Wala akong lakas ng loob na kausapin siya. Baka naman kasi nagbibiro lang siya sa mga sinabi niya. Bakit naman niya kasi ako magugustuhan?

"I really meant it. If you're thinking I was just kidding, no, Nikki. I really like you. Simula pa lang. Una pa lang."

Ramdam ko sa kaniyang boses na hindi siya nagsisinungaling. I've known Natanius for how many years, he's always been like that to me. Simula pa lang senior high ay inaasar-asar niya na ako hanggang ngayong nagcollege na kami. Alam ko naman sa itsura niya kapag nagbibiro siya o hindi.

"I will court you, Nikki. It's not my thing to court someone but for you... I will do it. Liligawan kita and I will prove myself to you."

Humigpit ang hawak ko sa jacket niyang nakasuot sa'kin ngayon. Kinagat ko ang ibabang labi ko at kulang na lang ay magdugo iyon. Nanginig ang balat ko sa lamig na tumama sa balat ko galing sa aircon.

"I understand if you couldn't talk. Alam ko nabigla kita sa mga sinabi ko pero hindi ko na kaya na makita ka pa kasama ang ibang lalaki. Hindi ko kaya na wala man lang akong karapatan na bawalan kang magsuot ng ganyan. Fuck."

In my peripheral vision, I saw him shaking his head. Lumitaw ang mga ugat niya sa kamay ng higpitan ang hawak sa steering wheel ng sasakyan. Lumalim ang kaniyang hininga at maya-maya naramdaman ko na lang na gumapang ang kamay niya sa kamay ko.

"Gusto kita, Nikkisha." He repeated, "I thought, I just love teasing you. Pero hindi, alam ko sa gitna ng mga pang aasar ko sa'yo, gusto na kita."

I cleared my throat, "L...Lalabas na ako." At binawi ko ang kamay ko sa kamay niya.

Hindi ko na kaya. Hindi ko na maintindihan. Hindi ko siya gusto at alam ko 'yan sa sarili ko pero bakit parang may nararamdaman akong kakaiba sa puso ko kapag kasama siya. Nung nakita ko siyang may kahalikan na iba, I burst out crying because there's a part of me twingled.

He slightly nodded his head. "Kahit hindi mo ako payagan sa panliligaw sa'yo. Gagawin ko. You couldn't stop me."

I inhaled deeply, "A...Akala mo lang 'yan, Natanius. Maybe you missed being in a relationship." Mapait kong sabi.

Mabilis umawang ang labi niya pero kalaunan ay umiling siya.

"No, Nikkisha." He uttered, "I know to myself if I love someone or just missed them."

"You just missed-" He cut me off.

"I've hidden this for how many years, sinigurado ko. And now, I'm sure of it. Gusto talaga kita."

Maybe Someday (Demercibal Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon