Chapter 15
**
After almost three weeks of preparation to this incoming event, the Mr. and Ms. Davisian University, I couldn't stop myself but to feel nervous. This is my first time to ramp like this!
"Bukas na ang laban mo, ha?" Sambit sa'kin ni Lukraine habang naggugupit ng mga saches.
Nandito sa isang kuwarto ang iilang candidates at iilang mga estudyante ng DU para tumulong sa paggawa ng mga rewards. Nandito ako dahil siyempre ako ang President ng school at kailangan ko silang i-guide.
Tumango ako, "Kinakabahan ako," Bulong ko sa kaniya para hindi marinig ng ibang kandidato.
Sinamaan naman niya ng tingin, "Bakit? Masyado bang over qualified ang isang Nikkisha Nille Hermosa?" Biro niya habang ngumingisi pa sa'kin.
I slightly pressed my lips, "Hindi ka naman bulag, diba? Nakikita mo ba 'yang mga makakalaban ko? They are all perfect. Mula sa hugis ng mukha, sa katawan, pati na rin sa tangkad! Halatang-halata mo na professional na sila sa mga ganito."
I'm really nervous. Although, I'm not expecting to win this event but I'm hoping to make my batchmates and classmates proud. Para naman maiba na rin ang headline ng DU, hindi puro may boyfriend na ako or what.
Sinimangutan ako ni Lukraine, "Wala ka talagang tiwala sa sarili mo? You're underestimating your power."
"That's the truth,"
"Tignan na lang natin bukas ang kayang ibigay ng President ng DU!" Halakhak niya pa. "Pero kasi, Nille. Kung ganda lang naman baseha diyan, panalong panalo ka na. Mas maganda ka pa nga kay Joan, 'yung muse dati sa basketball bago si Elisse."
Pinagdilatan ko siya ng mga mata dahil sa chismis niya sa'kin. "Tone down your voice, Lukraine. Paano kapag narinig ka ng mga kaibigan ni Joan?"
She rolled her eyes, "As if I care, Miss President. I'm just stating the fact here."
"Maganda naman talaga siya."
Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya ang sumali na representative ng course niya. Bagay na bagay sa kaniya lalo na Tourism siya at alam ko lahat ng Tourism ay magaganda at matatangkad. Malilinis pa silang tignan.
"Right! Pero mas maganda ka, Miss President."
Napanguso ako ng dumating si Natanius at nasa kaniya ngayon ang mata ng mga babae sa loob ng gymnasium. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa kaniya kung nakaayos siya ngayon at hindi man lang nakauniform.
"Nikkisha..." He softly called me, "I'm sorry I was late. Damn! Oras na nagpadimiss ang professor."
Kinunutan ko siya ng noo, "Hindi ka excuse?"
Umiling siya ng bahagya. "Hindi. May importanteng discussion at test kaya hindi ako pinaalis ng Professor. Badtrip nga e!" He hissed and slight clenched his jaw.
I touched his hands and I saw how he reacted. Tumingin ang iilang estudyante sa'min ng may gustong sabihin sa kanilang mga mata. Binalik ko ang tingin ko kay Natanius na namumula.
"Huwag kang mabadtrip, bukas na ang laban natin and I'm nervous." I whsispered.
Umayos ang kaniyang awra, "Why are you nervous? DId I tell you to focus on me? Tumingin ka lang sa'kin kapag kinakabahan ka na?"
"Hindi ka ba kinakabahan?"
"Why would I, Mahal?"
Mabilis akong napasinghap sa pagtawag niya sa'kin ng mahal. Kapag tinatawag niya ako sa ganoong endearment hindi ko mapigilan na kiligin at mamula dahil gustong-gusto ko.
BINABASA MO ANG
Maybe Someday (Demercibal Series #3)
RomancePopular. Beautiful. Sexy. Charming. Ilan 'yan sa katangihan ng isang Nille Hermosa na nag aaral sa Davisian University. Madaming lalaki ang humahanga sa kaniya at kaliwa't kanan ang pagbibigay sa kaniya ng mga bulaklak, love letter, at kung ano pang...