Chapter 20
**
"Miss President, ilang buwan na lang gra-graduate ka na!" Masayang sabi ni Miguel sa tabi ko habang ngumunguya ng chips.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Ikaw din naman. Nakalimutan mo bang magkaklase tayo?"
Ginulo niya ang buhok ko kaya hinampas ko ang kamay niya palayo. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisian lang ako na mas lalong kinainis ko.
"Could you please stop messing up with my hair?" Inis kong sabi.
Narinig ko na inulit niya ang sinabi ko sa isang maliit na boses bago ako tinawanan. Sumimangot na lang ako at hindi siya pinansin.
"Kamusta pala pagpra-practice mo sa darating na swimming competition?"
When I reached my fourth year of college, I joined the swimming competition. I took all the courage, ilang buwan kong pinag isipan ang pagsali ulit at mamag-asa na kaya kong ipanalo ang laban. Miguel helped me with a lot of things happened to me last year, he became my shoulders to cry on.
Napahinto ako at tumingin sa kaniya. Kinunutan ko siya ng noo, "Okay lang naman."
"No pressure?" He asked.
I shook my head, "No pressure."
He smiled at me and started to ruffle my hair again. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman tumawa na lang siya.
Davisian University has a lot of things that have happened. A year of my life taught me how to become stronger and accept all the things. Mabuti na lang at natanggap ko kung ano ang nangyari. Since that day, we never met again. Tinotoo na namin na kalimutan ang isa't isa hanggang sa grumaduate siya at nawala na sa DU.
Yes. He already graduated... and left the DU. Wala na ako naging balita sa kaniya dahil ayokong magtanong pa. Tinanggap ko naman na wala na talaga at nakamoved on na ako sa sakit na naramdaman ko.
"Magpra-practice ka, Miss President?" Tanong ni Khelgio na nakasalubong ko sa hallway.
Tumango ako sa kaniya, "Oo e. Kailangan kong doblehin ang pagpra-practice ngayon."
Nakita ko naman na tumango-tango siya. Khelgio, Kleiner, Adler are still in third year college while his friends Stan, Limwell, and Nicholas already graduating students. Mukha lang silang mga matured pero mas matanda ako sa kanila.
"Hindi ako sumali ng basketball," Biglang sabi ni Khelgio.
Kinunutan ko siya ng noo, "Bakit? Hindi rin ba sumali ang mga kaibigan mo?"
"Sumali... Kaya nga ako hindi sumali kasi naggive way ako sa kanila para may spotlight sila kahit papano." He joked.
Nanliit ang mga mata ko. "Ikaw talaga. Sumali ka sayang naman madami ang aasa sa'yo na nasa team ka."
"Hindi ka rin naman makakapanood kaya huwag na lang." Mabilis niyang sagot.
Tumingin ako sa ibang direksyon, "Sorry, Gio. Hindi na ako makakapanood ulit."
He smiled, "Okay lang 'yon. Gusto ko rin magpahinga muna sa sports. Masyado na maraming humahanga sa'kin. Bawasan muna natin, Miss President."
Nagtawanan na lang kami habang naglalakad ng hallway. Hindi ko napansin na nandito na ako sa swimming pool ng DU sa may likuran ng eskwelahan. Tahimik lang dito at hindi masyado madami ang tao. Although, hindi laging nandito ang ibang students. Kung mayro'n man, siguro napapadaan lang.
Bumugtong hininga ako at nagsimulang magpalit ng damit. I wore my full cover swimwear. I tied my hair to put the silicone swim cap and goggles. Nang makita kong okay na ako ay pumusisyon ako sa may dulo ng pool.
BINABASA MO ANG
Maybe Someday (Demercibal Series #3)
RomansaPopular. Beautiful. Sexy. Charming. Ilan 'yan sa katangihan ng isang Nille Hermosa na nag aaral sa Davisian University. Madaming lalaki ang humahanga sa kaniya at kaliwa't kanan ang pagbibigay sa kaniya ng mga bulaklak, love letter, at kung ano pang...