Chapter 29

13 1 0
                                    

Chapter 29

**

"Nikkisha, sweetheart. Hindi ganiyan ang tamang paghampas sa kamay natin kapag gusto mong lumangoy. Ganito dapat, gayahin mo 'ko ha?"

Pinanood ko siya kung paa niya ihampas ang mga kamay niya habang lumalangoy hanggang sa dulo. Nakaupo sa may semento na gilid ng swimming pool at manghang-mangha sa paglangoy niya ng mabilis.

"Yes! That's my Papa! Papa ko 'yan!"

Tumayo ako sa semento at tumalon talon habang masayang pinapanood si Papa na lumalangoy. Pabalik na siya ngayon sa puwesto namin at humahon siya sa pool. Lumuhod siya para pagpantay ang height namin.

"Ang galing mo Papa! Gusto ko rin pong matutuhan at gusto ko isa ako sa magiging top swimmer sa school namin!" Masayang sabi ko kay Papa habang tumatalon talon pa rin.

"Stop jumping Nikkisha baka malaglag ka sa pool." Worried na sabi ni Papa.

Tumango naman ako, "Pa, tuturuan niyo po ba akong magswim? Gusto ko na pong maging katulad niyo na magaling maglangoy!"

Tumawa si Papa ng mahina, "Of course, sweety. I will teach you, huwag kang mag alala balang araw mananalo ka sa isang kompetisyon at ikaw ang champion!"

Ngumisi ako, "Oo naman, Pa! Ssisiguraduhin ko na ilalampaso ko silang lahat! Baka Papa ko nagturo sa'kin!"

Tinap ni Papa ang ulo ko at parang pinapakita na proud siya sa'kin kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko sa labi. Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan sa pisngi.

"Yes! Papa you're the best! Thank you! Tara na po. Magturo ka na sa'kin ng swim steps," Nakanguso kong sabi.

"Silly. Kakain muna tayo para may lakas ka kapag tinuruan kita kung paano magswim."

"Yes coach!" Sumaludo pa ako sa kaniya at naunang tumakbo papasok sa loob ng bahay namin.

Naabutan ko si Kayleigh, 'yung kapatid ko at si Mama na nasa sala habang nanonood ng TV. Bumusangot sa'kin si Kayleigh kaya alam ko na agad kung bakit dahil close na close sila ni Papa at pakiramdam ko ay nagseselos siya. Si Mama naman ay tumayo at sinalubong ako habang may bitbit na dalawang tuwalya.

"Naku, Fidel. Pinagod mo na naman ang anak natin. Sabi naman sa'yo, kumain muna tayo para dire-diretso na lang ang pagswimming niyo,"

Binigay ni Mama ang isang tuwalya kay Papa habang si Mama naman ay bahagyang lumuhod para punasan ako. Habang pinupunasan niya ako ay napansin kong lumapit si Kayleigh kay Papa at nagpabuhat ito.

"Nille, 'nak. Gusto mo na bang kumain? Nagutom ka ba sa pagswimming niyo ni Papa?"

Ngumiti ako at umiling, "Nag enjoy po akong panoorin si Papa na magswim, Ma! He's so great! Someday gusto ko maging katulad niya na magaling na manlalangoy."

"Ang liit mo. Hindi ka naman abot sa pool, Ate Nille." Rinig kong sabi ni Kayleigh.

"Bakit? Tatangkad pa naman ako. S'yempre bata pa lang tayo kaya maliit pa tayo pero pag nagdalaga na tayo sigurado magiging kasing laki ko si Papa!" Kontra ko sa sinabi niya.

"Sabagay! Tara kain na lang tayo." Aya niya, "Daddy, gusto ko ng mushroom." Nguso niyang sabi kay Papa.

"Sure baby girl. Let's go to the kitchen." Ginuide niya si Kayleigh sa kusina habang si Mama naman ay pinupunasan pa rin ang mukha ko.

"Let's change your clothes first, baka magkasakit kapag matagal nagstay sa likuran mo ang tubig."

Tumango na lang ako kay Mama at sinunod siya sa kuwarto para magbihis muna. Mamaya pa naman ang sinabi ni Papa na maglalangoy kami ulit atsaka nararamdaman ko rin na nilalamig ako kaya mas okay na binihisan ako ni Mama.

Maybe Someday (Demercibal Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon