Chapter 04
**
Mabilis ang ginawa ko sa kaniyang paghampas ng dala-dala kong bag. Napailag siya agad at maya-maya ay tinignan ako ng diretso. Hindi ko alam pero nag init ang magkabilang pisngi ko sa kaniyang sinabi kanina at sa titig niya ngayon.
"Can you please leave me alone? Kung wala kang magandang sasabihin, huwag mo kong kakausapin! Hinila mo pa talaga ako rito, ano na lang sasabihin ng mga nakakita kanina?!"
Tumaas ang sulok ng kaniyang labi, "Sa tingin mo?"
"Malamang headline na naman ng Davisian 'yan, Nat! Hindi ka ba talaga titigil sa pang aasar sa'kin?"
Kumunot ang noo niya at naglakad papalapit sa'kin. Humakbang ako ng paurong para hindi niya ako malapit.
"Sa tingin mo may pakialam ako sa sasabihin nila?" Ngumiwi pa ito, "And what are you talking about? I'm not teasing you. What I've said was true. If you want those kinds of things, I could give them to you."
Muli ko siyang hinampas pero naharangan niya na ito ng kamay niya. "You don't get me! Bwiset ka, Natanius! I don't even care kung tumigil sila sa pagbibigay sa'kin ng ganon! All I care about are those people who caught us entering this garden!"
"I don't care about them." Humalukipkip pa siya sa harapan ko at ngumisi.
Halos kumulo na talaga ang ulo ko sa kaniyang sinabi. Hindi niya ba alam na pag nakarating ang issue na 'to kay Mrs. Josefa Demercibal, ako ang malalagot? I'm the President of this University pero ako pa mismo ang gumagawa ng gulo.
"I care about them, Nat! Magkaiba tayo kaya please! Leave me alone! Ayoko na makipag usap pa sa'yo, naiintindihan mo ba?"
Umiling siya, "You won't stop me, Nikkisha. I already told you that I will give you what you want. Do you think I'm just joking around? I'm serious."
Napansin ko pa ang pag galaw ng kaniyang panga. I almost trembled because of that. Nakakapanghina siya. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito pero nanghihina ako sa kaniyang mga titig.
"Ewan ko sa'yo! Fuck shit! Pag ako nalagot kay Mrs. Josefa sa pinang gagawa mo!"
Kahit siya pa ang anak ng may-ari ng school na 'to. May mga kapatid siya at hindi naman katulad niya! His siblings are good and kind, hindi gumagawa ng eskandalo na puwedeng pag chismisan.
Ngumisi lang ulit siya, "My Auntie? Nakakalimutan mo yatang anak ng may ari ang kausap mo ngayon? You don't need to be afraid."
"And now you're using your power to continually tease me? Really, Natanius?" Matatalim na tingin ang binibigay ko sa kaniya.
Hindi man lang siya naantig sa mga tingin kong matatalim sa kaniya. May kinuha siya sa kaniyang bulsa. Nanlaki ang mga mata ko ng sigarilyo at lighter 'yon. Sinindihan niya 'yon at humithit ng isang beses bago nagbuga ng usok.
"Nang aasar ka ba talaga?!" Mabilis ang ginawa kong pagtampal sa kaniyang sigarilyo palayo.
Napalayo naman siya agad ng muntik na sa kaniya mapunta 'yung sigarilyo.
"Damn! What's your problem? One stick only, Nikki! There's no CCTV here. Auntie Josefa wouldn't see this! Tch."
Sinamaan ko siya ng tingin, "Stupid! It was on my rules and regulations. Hindi mo ba binasa ang mga 'yon?! You're still smoking. If you want to smoke leave this University."
Napahalakhak naman siya sa aking sinabi, "Alright, Miss President. I'll be back. See you again, later!" Kinindatan pa ako bago lumabas ng garden.
Napasapo na lang ako sa ulo ko at lumabas na rin ng garden dahil marami pa akong gagawin pero inuna kong makipag argumento sa taong 'yon.

BINABASA MO ANG
Maybe Someday (Demercibal Series #3)
RomancePopular. Beautiful. Sexy. Charming. Ilan 'yan sa katangihan ng isang Nille Hermosa na nag aaral sa Davisian University. Madaming lalaki ang humahanga sa kaniya at kaliwa't kanan ang pagbibigay sa kaniya ng mga bulaklak, love letter, at kung ano pang...