Chapter 30

21 1 0
                                    

Chapter 30

**

Alam ko na nag aalala silang lahat sa'kin pero alam ko naman sa sarili ko na kaya kong isabak sa laban ang sarili ko dahil hindi naman ako ganoon kahina. And this will be my last chance, graduating na ako at bago ako grumaduate kailangan kong makuha ang championship.

"Nikkisha, Hon. Kaya mo ba talaga?" Nag aalalang tanong sa'kin ni Natanius habang hawak hawak ang kamay ko.

Mabilis akong tumango, "Oo naman, Natanius. Hindi naman ako baldado, kailangan kong tumayo. Aasikasuhin ko pa ang mga gagamitin ko bukas."

Narinig ko ang pagtikhim ni Miguel sa gilid namin. Nandito rin pala siya sa bahay dahil pinasama siya ni Mama bilang pasasalamat dahil siya ang sumagip sa'kin sa pagkakalunod mula kay Francine.

Speaking of her, ano kayang nangyari sa kaniya? Is she okay? Obviously, mukhang ako lang naman ang nilunod niya. I should stop thinking about her. Siya ang may dahilan bakit ako nandito.

Tumalim ang tingin ni Natanius, "Why are you still here? Hindi pa ba sapat ang pag mouth to mouth mo sa girlfriend ko?!"

Pinakita ni Miguel ang kaniyang ngisi, "Nasa bingit na ng kamatayan girlfriend mo uunahin mo pa selos mo?"

"Damn you!" Natanius grinned his teeth, humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Miguel just raised his side lips. "Same to you."

Napatingin ako sa kanilang dalawa at palipat lipat. Sinapo ko ang ulo ko at hindi na lang sila pinansin pero bumalik sa'kin ang salita ni Natanius na si Miguel ang nagligtas sa'kin at... ano ulit 'yon? Mouth to mouth?

"Huwag ka ng umasa sa girlfriend ko, Silvala. Wala ka ng pag asa, ikakasal na kami."

Kumunot ang noo ko.

"Oh yeah? Share mo lang 'yan?"

"Fuck-"

Bumukas ang pintuan kaya napahinto sila pagbabangayan. Nakita kong niluwa no'n si Mama na may ngiti sa labi. Lumapit siya sa'min at parang may gustong sabihin.

"Hanggang sa labas rinig ko ang boses nila Miggy at Nat! Talagang close na close sila? Masaya siguro ang friendship niyo?"

Halos humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi ni Mama. Hindi niya alam halos magpatayan na ang dalawa kanina sa loob dahil sa mga pinagsasabi nila. Lumukot ang mukha ng dalawa at parang hindi nagustuhan ang sinabi ni Mama.

"Para tuloy kayong magkapatid!"

I secretly smirked when Natanius pouted his lips. Si Miguel naman ay lihim na umirap. Itong dalawa na 'to, sa business lang naman hindi magkasundo pero alam kong soon magiging okay din ang dalawang 'to.

Humarap si Mama sa'kin, "Sigurado ka na ba Nille 'nak? Nakahanda na ba mga gamit mo?"

Umiling ako ng bahagya, "Hindi pa, Ma. Mamaya na lang siguro kapag umalis na 'tong dalawa."

"Uh? Me? I'll stay here, Nikkisha." Kunot noong sabi ni Natanius at kinalawit pa ang kamay sa braso ko na parang bata.

"Sure, Nat!" Sabi ni Mama, "Ikaw Miggy? Mag stay ka rin ba dito?"

Nanliit ang mga mata ko dahil wala naman akong magagawa. Mukhang masayang-masaya pa si Mama sa kaniyang pinanggagawa kaya hindi na lang ako nagsalita at pinakinggan sila.

"Hindi na po Tita Mina. Kailangan ko rin pong umuwi may family dinner kami." Nakangiting sabi ni Miguel.

Tumango naman si Mama, "Gano'n ba? Sige salamat ha?"

Lumabas si Miguel at Mama dahil alam kong ihahatid siya sa labas. Tumingin muna ako kay Natanius na ngayon ay nakatingin din sa'kin at parang sinusuri ako.

Maybe Someday (Demercibal Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon