Chapter 07

13 2 0
                                    

Chapter 07

**

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa mula nung iniwan niya akong umiiyak sa vacant room. Hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak sa sinabi niya. Pakiramdam ko daig ko pa ang na broken hearted sa sinabi niyang iiwas na siya.

Does it mean, he is not going to tease me again? Hindi ba 'yun naman ang hiling ko sa kaniya? Na layuan niya ako at huwag ng pagtripan dahil nagugulo ang buhay ko sa kaniya sa mga trip niya? Nai-issue ako sa school sa mga ginagawa niya. Pero parang labag sa kalooban ko ngayon ang kaniyang sinabi?

Wala akong ginawa maghapon pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Physically and mentally drained. Hindi naman ako ganito noon but what happened now? Why am I not happy with his words? Why is there a part of me that I don't want him to leave? To avoid me?

"Miss President. Pinapatawag po kayo ng Principal," Isang junior student ang lumapit sa'kin.

Napabaling ako ng tingin sa kaniya at tumango, "Sige, salamat."

Mabilis akong nag ayos ng sarili at tamad na tumayo mula sa upuan. Huminga muna ako ng malalim bago magsimulang maglakad. While walking, I pray to God not to cross Natanius' paths. Mukhang suwerte ako ngayon dahil malapit na ako sa office ay hindi ko siya nakita.

Kapasok ko ay sinalubong ko ng tipid na ngiti at bati ang Principal. Ngumiti lang siya at pinaupo ako sa kaniyang harapan.

Hindi ko maiwasan na mag isip tungkol sa anong pag uusapan dahil wala naman pangyayari sa university. Wala naman gulo at naaayos ko naman 'yung recycle sa mga basura nila. Kaya nag assigned ako sa mga magco-collect ng mga puwedeng i-recycle na basura para magamit sa Junk Decoration na isa sa event ng DU.

"Miss President," Sa boses pa lang ni Mrs. Josefa ay kinabahan na ako.

Ngumiwi ako sa mga iniisip ko. "Ma'am Principal, bakit niyo po ako pinatawag?"

"Malapit na ang event ng school, ang Mr. and Ms. Davisian University. I wouldn't take it long. I want you to represent your course, all course, Nille. Mula first year college hanggang fourth year college. I know you don't have any experience about this but I would like you to join. Madami ka ng nagawa sa DU at alam kong isa ka sa deserving makakuha ang title sa Ms. Davisian University, what do you think?"

Napakurap-kurap ako sa kaniyang sinabi. Kung bibilangin ang course ng DU ay sobrang dami at hindi ko alam kung paano ko iraraos ang pageant na 'yon.

"Madami naman pong mas deserving sa'kin... Baka po kasi madisappoint ko lang sila." Sabi ko habang nangangamba.

She gave me a look, "I know that, Miss President. But the students of DU love you. Hindi man lahat pero madami kaya mukhang masaya pa sila kapag ikaw ang nagrepresent ng course niyo."

Napakamot ako sa ulo ko sa narinig. "Sige po, Mrs. Josefa. Salamat po."

She nodded her head, "Good! Thank you. This will be three weeks from now, kaya puwede niyo na simulan ang pratice."

Ngumiti ako, "Sige po."

Magpapaalam na sana akong aalis pero sumagi sa isip ko na kung sino ang magiging partner ko sa event na 'to. Hindi naman puwedeng i-represent ko ang course namin pero wala akong kasama. Mas nakakahiya 'yon.

"Uhm, Mrs. Josefa. S...Sino po ang magiging partner ko sa Mr. and Ms. Davisian?" Hindi ko rin alam kung bakit ako nautal.

Ngumiti ng malawak si Mrs. Demercibal, tila pumapalakpak pa ang tainga. "Since, lagi akong may naririnig sainyo for sure magandang chemistry ang magagawa niyo sa audience. Akala mo ba hindi ko nakakalap ang headline ng DU?"

Maybe Someday (Demercibal Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon