Chapter 24

18 2 0
                                    

Chapter 24

**

"Nikkisha, let's have lunch together please?"

Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad na hindi tinatapunan ng tingin si Natanius dahil wala naman akong balak na kausapin pa siya katapos kong malaman ang lahat.

"Nikki!"

Hindi ko siya pinapakinggan kahit ilang beses niya pa akong tawagin. Hindi ko siya gustong nilingunin dahil sa mga matang nakatingin sa'min at mayro'n pa ngang bulungan na at alam kong nagtataka na sila kung bakit nandito si Natanius.

"Mahal! Kausapin mo na ako."

Doon ako napalingon sa sinigaw niya na halos nakuha niya ang atensyon ng lahat. Hindi pa rin siya nagbabago, gustong-gusto niya pa rin akong inisin.

Kita kong ngumiti pa siya, "Sorry na, Hon. Galit ka ba kasi hindi tayo nagdate?"

"What are you talking about?"

"Babawi na ako, Hon. Date na tayo."

Inirapan ko lang siya at tumalikod muli. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya dahil nahihiya ako sa mga nakakarinig sa'min.

"Nikkisha please, date me again."

Napunta kami sa likuran ng DU para sa gano'n ay walang masyadong makakakita sa'min at makakarinig sa mga sasabihin niya. Hindi ako natutuwa dahil alam niyang galit ako sa kaniya pero gano'n pa rin ang mga pinagsasabi niya.

"Ano talagang balak mo, Natanius? Look, wala akong panahon makipagbiruan sa'yo."

"Hindi naman ako nakikipagbiruan. I'm serious, Nikkisha. I'm willing to learn from my mistake. Kahit pahirapan mo 'ko, okay lang. I just want to be with you again,"

Huminga ako ng malalim at pinanliksikan siya ng mata, "Hindi na ako babalik sa'yo, Natanius. Hindi na kita mahal at kung nantrtrip ka man, please lang. Itigil mo na 'yan."

Nakita kong gumuhit ang sakit sa kaniyang mga mata. Hindi siya agad nakapagsalita sa sinabi ko.

"Tapos na tayo, right? We already ended the connection between us and I don't want to reconnect with you anymore."

Nakuha niya pang ngumiti ng tipid, "I know. I'm willing to wait. Hindi kita pre-pressurin, huwag kang mag alala. I want you to love me again... by yourself and you're already fully healed for what I did."

Gusto kong matawa at umiyak sa galit dahil sa sinabi niya, "Who are you to dictate me?"

"Nikkisha please give me a chance to prove myself again." Namamaos ang kaniyang boses na parang anytime he would cry.

Bakit parang kung humingi siya ng second chance ay nanghihingi lang siya ng candy? Hindi niya ba alam 'yung sakit ng pinagdaanan ko? Hindi ba niya alam ilang araw akong walang tulog kakaisip kung bakit niya ako nagawang iwan? Tapos ngayon, kung makahingi ng second chance parang ang dali sa kaniya?

"No more chance, Natanius. Sinaktan mo na ako, hindi ko na kayang tanggapin ka pa ulit sa buhay ko. You don't have any idea how much pain you have caused me." Nanggigilid na luhang sabi ko.

"I will do everything for you, Nikkisha Nille. Hihintayin kita. Kahit gaano pa katagal mo 'kong mapatawad, basta... bumalik ka lang sa'kin. Lahat gagawin ko."

Napansin ko ang pagiging uneasy niya sa kaniyang puwesto. Namumula na ang kaniyang tainga at gano'n din ang kaniyang mga mata.

I gritted my teeth, "Lahat?"

Umawang ng bahagya ang kaniyang labi at tipid na tumango. Mukhang ilang segundo ay natauhan siya sa tanong ko.

"Oo lahat."

Maybe Someday (Demercibal Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon