Chapter 11

13 1 0
                                    

Chapter 11

**

I felt sadness while looking at my old picture. Nakangiti ako sa litrato na 'yon at hawak-hawak ang medalya. I was smiling but I know inside me I am shattered. I got second place. Second place ako pero hindi pa rin enough.

I worked hard for it but it turned out to be nothing. 'Yun na yata ang kauna-unahang pagkabigo ko sa buhay ko. Naging importante sa buhay ko ang pagswi-swimming dahil si Papa ang nagturo sa'kin. Lagi kong sinasabi sa kaniya na kukunin ko ang unang medalya ng swimming competition pero hindi ko nagawa.

I disappointed him. Until now, I could not still get over it. I'm still hoping that if time comes, I will get the first place. Even if you're already in a safe place, I will make you proud.

"Miss President?"

Mabilis kong pinahid ang luha ko at tinago ang picture na hawak-hawak ko. Inayos ko ang sarili bago tumingin kay Khelgio na nasa harapan ko.

"Gio," Ngiti kong tugon.

Umupo siya sa harapan ko at nilagay cellphone niya sa mesa habang seryosong nakatingin sa'kin.

"Umiiyak ka." That's not a question but a statement.

I shook my head, "Just thinking... some things... "

"About?" He curiously asked.

Nagkibit balikat ako at hinaplos ang sariling kamay. Umiling ako sa naisip na kasinungalingan, "Wala naman."

Bumugtonghininga siya.

"You can tell me your problem, Nille. Didn't I tell you I am your best friend now? Kung tungkol 'yan kay Natanius, okay lang. I told you, I accept the friendship we have." Seryoso niyang sabi.

Binasa ko ang labi ko bago umiwas ng tingin. "This is not about Natanius..." I started, "This is about my dream one year ago... Remember when I joined the swimming competition but I got second place." I chuckled at disbelief.

Umigting ang panga niya at seryosong tumingin sa'kin. "Hindi tayo laging panalo sa buhay, Nille. There's always a second chance."

"I know... Hindi ko lang maiwasan madisappoint sa sarili."

Seryoso siyang tumingin. "You can try again. May darating ulit na swimming competition two months for now. There's no harm in trying, Nille."

"I'm scared."

"I'm here. DU is here for you. Lahat kami susuportahan ka. Huwag kang matatakot."

Tila gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi ni Khelgio. He cheered me up and I'm thankful for that. Hindi naman masama ang sumubok ulit na makipaglaban sa iba't ibang university. Baka this time, ako naman. Baka this time, ako na ang una.

"Street food?" Aya niya at nakangiti.

I take a glance at my wrist watch. I still have a twenty minute break. Tinignan ko siya ulit at tumango.

"Okay." Pag sang-ayon ko. "Pero ako naman ang maglilibre ngayon."

Napakamot pa siya sa ulo niya at tumango na lang. Sinabit niya ang isang strap ng bag niya sa kaliwang balikat at sinuportahan naman ito ng kaliwang kamay niya.

I volunteered to treat him. Ayoko kasi na siya ulit ang gagastos, last time siya na 'yung taya at namagkano rin siya no'n. Nasa hundred din 'yon kaya gusto ko ako naman ngayon.

"Masarap ba 'tong betamax, Miss Pres?" He asked me while looking at the betamax.

I slightly chuckled and nodded my head. "Oo naman. Try mo na lang. Baka maging second favorite mo 'yan sa isaw."

Maybe Someday (Demercibal Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon