Chapter 27

19 2 0
                                    

Chapter 27

**

Hindi ko pinagsisihan ang nangyari pero pakiramdam ko sisisihin ko ang sarili ko dahil hirap akong maglakad. Masakit at mahapdi ang pagitan ng legs ko, hindi ko alam kung paano makakapunta sa party ni Khelgio dahil magtatampo 'yon kapag hindi ako natuloy.

"What are you thinking?" Natanius is driving me home, nahawak siya sa kamay ko habang nakapatong ito sa gear ng kaniyang sasakyan.

Nilalamon ako ng hiya ngayon dahil sa nangyari. Akala ko ay panaginip lang pero totoo palang binigay ko ang sarili ko sa kaniya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, para akong hindi pinainom ng ilang araw at uhaw na uhaw ako sa kaniya.

"Birthday ni Gio. He invited to his party sa bar ni Stan,"

Tumango-tango naman siya, "Kaya mo ba?"

Namula ako sa kaniyang tanong, "O-Oo naman! Kailangan kong pumunta dahil baka magtampo 'yon."

"Can I come? Kahit sa dulo lang ako, sa gilid, I just want to watch you. Baka may mambastos sa'yo bigla do'n."

Tumango na lang ako bilang sagot.

Isang oras nang makarating kami ng bar. Naunang lumabas sa'kin si Natanius sa kotse bago siya umikot para buksan ang pintuan sa gilid ko. He waited for me to get outside before he locked the door.

"Hindi ko nakita si Tita Mina kanina."

He caught me hands and intertwined our fingers. Naglakad kami habang magkahawak kamay, sa kabilang kamay niya ay hawak hawak niya ang susi ng kaniyang kotse.

"Nasa trabaho. May sideline siya sa may convenience store."

"Kailangan niya ba talagang magtrabaho? Could she just take a rest?"

Umiling ako, "Kung titigil siya sa pagtra-trabaho wala kaming makukuhang pera. Malapit na rin naman akong grumaduate kaya papatigilin ko na siya sa pagtra-trabaho,"

"I can help you with your expenses..." He paused, "I can help you with your bills, needs, wants-" I cut him off.

"No, Natanius. Hindi pa naman tayo mag asawa para ikaw umako ng responsiblidad."

Naalala ko na naman 'yung pagbayad niya sa bahay namin ng apat na milyon. Noong panahon na nawala siya sa'kin ay hindi ako mapakali dahil parang gusto kong bayaran ang apat na milyon na 'yon dahil isip ko may utang na loob ako sa kaniya kahit totoo naman.

"After you graudate, papakasal na tayo."

Napahinto ako sa paglalakad sa kaniyang sinabi. Natanaw ko na ang entrance ng bar pero huminto muna ako para harapin siya dahil sa kaniyang sinabi.

"Let me work first, Natanius." Seryoso kong sabi. "Darating din naman tayo d'yan."

He raised his eyebrows, "Work with me. I have company. Puwede naman tayong magtrabaho nang magkasama at puwede ring engaged muna tayo kapag ready ka na, papakasal na tayo."

Napakurap-kurap na lang ako sa kaniyang sinabi. Gusto kong magsalita pero hindi ko na magawa dahil walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko.

"Let's go," Inakay niya na ako papasok.

Nakuha ng atensyon ko ang mga taong sumasayaw sa dancefloor, ang malakas na tugtugan na parang nagdidisco, at ang mga kumpol na estudyante na pakiramdam ko ay grupo ng magkakaibigan sa DU. Hinanap ng mga mata ko si Khelgio para batiin nang maramdaman ko ang kamay ni Natanius sa bewang ko.

"Let's go, Hon. I'll text Kulas,"

Pinag-usog niya ako ng upuan bago niya nilabas ang cellphone para i -message si Kulas. Nakatingin lang ako sa kaniya at ngumuso. Bakit ang guwapo niya?

Maybe Someday (Demercibal Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon