Chapter 21

15 2 0
                                    

Chapter 21

**

Tamad akong nakikinig sa professor habang sumusulyap kay Miguel na medyo malayo sa'kin. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa sponsor na pinagbid nila ni Natanius.

Kung nagulat ako sa bid ni Miguel na ten million, mas nakakagulat naman 'yung twenty million. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan pa akong ibid ni Natanius sa swimming competition dahil matagal na rin naman kaming hindi nagkikita... at nakamoved on na ako. Bakit kailangan niya pang gawin 'yun?

"Dismissed."

Nakita kong tumayo si Miguel kaya taranta din akong tumayo at pumunta sa kinaroroonan niya na mukhang kinagulat niya pa ang paglitaw ko sa harapan niya.

"Miggy." Pagtawag ko sa kaniya sa isang seryosong boses.

Nawala ang gulat sa kaniyang ekspresyon at napalitan ng walang emosyon. Sinabit niya ang bag niya sa kaliwang balikat at kinuha ang cellphone na pinaikot sa kamay.

"Why are you looking at me like you're going to eat me alive?" He asked, confused.

I rolled my eyes, "Nagpapainosente ka pa talaga, Miguel. Ano na naman ba 'tong sampung milyon?"

Hindi nagbago ang kaniyang emosyon, "What is? Is it wrong to bid for your competition?"

Napahinga ako ng malalim, "Oo! Ang laking halaga naman no'n, Miguel. Isipin mo sampung milyon... Kung sanang para sa school at sa mga sasali 'yon pero bakit para lang sa'kin?"

"Ikaw lang ang gusto ko sa kanila."

Napasapo ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya. "Hindi ako nakikipaglokohan sayo. P'wede naman na 'yung limang milyon na ibibigay mo kapag hindi ako nanalo."

"That's why I gave ten million because you will win this game." Sagot niya habang nakakunot ang noo, "Don't mind the money, Miss Nille. Tara kumain na lang tayo."

Inakbayan niya ako at inaya ng lumabas ng classroom dahil napansin ko na kaming dalawa na lang ang nasa loob. Mabilis kong hinampas ang kamay niya pero hindi natinag at mas lalo akong inakbayan hanggang sa makarating kami ng canteen.

"Puro ka pagkain." Nakangusong sabi ko.

Nakatingin lang siya sa kaniyang cellphone at parang may tinitignan ng kung ano do'n.

"It's lunch time. Malamang kakain tayo." Masungit niyang sabi.

Hindi na ako nagsalita at hinayaan siyang magsabi-sabi ng kung anu-ano. Habang naiwan ako mag isa sa table ay pinagmamasdan ko siya habang nag oorder.

Hindi pa rin ako makapaniwala na magbibigay siya ng sampung milyon kapag napanalo ko ang swimming competition. Kung titignan, makikita mo talaga na para lang siyang isang estudyante at hindi pa nagtra-trabaho pero hindi ko alam na gano'n pala kasikat ang kumpanya niya.

"Stop staring at me. Para mo 'kong lalamunin ng buo."

Hanggang makarating siya ay nakatingin pa rin ako sa kaniya. Lagi rin niya akong nililibre ng pagkain, kulang na lang pati dinner siya na ang magprovide sa'kin. Para tuloy ako nagkaroon ng kapatid na lalaki dahil sa kaniya.

"Nille!"

Ngumisi ako, "Hindi lang ako makapaniwala na may trabaho kang pinag aabalahan."

Tumaas ang kaniyang kilay, "Am I that mysterious?"

"Oo." Pagsang-ayon, "Hindi biro ang sampung milyon pero kung ibigay mo para ka lang nagbigay ng barya."

"Barya lang naman talaga."

Hindi na lang ako sumagot do'n at sinamaan siya ng tingin. Mukhang magyayabang na siya sa'kin kaya hindi ko na dapat siya kausapin. Mamaya na lang kapag tapos na kaming kumain.

Maybe Someday (Demercibal Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon