Chapter 26

17 1 0
                                    

WARNING: This chapter contains mature content that might be disturbing for young readers. If you're a minor, please, skip this part. (SPG/R18)

**

Chapter 26

**

Tinotoo ni Natanius ang pagpapadala sa'kin lagi ng bulaklak, letters, at kung ano pang materyal na bagay. Habang ginagawa niya 'yon ay nagpapakita lang siya pero hindi niya ako nilalapitan. He said he will never disturb me, but I couldn't understand myself. Gusto ko siyang lapitan everytime na ginagawa niya 'yon.

"Malapit na ang competition, ha? This week na," Miguel said while licking ice cream.

Napanguso ako at tumango, "I'm a bit nervous but I think I can do it. DU students put a lot of trust on me. Hindi ko sila kayang biguin."

I remember when I lost swimming competition. They judged me, they were all disappointed. Hindi ko naman sila masisisi that time dahil alam nilang malapit na akong manalo pero nagcramps ang paa ko.

I did my best, I really did.

"You still think about that?" He asked, ambilis niyang inubos ang ice cream. "Didn't I tell you, giving your best is already enough. Nasa tao na lang kung paano nila ia-appreciate 'yon."

"Thank you for cheering me up, Miggy. I will trust myself..." I paused, "This time..."

Pagod akong kinuha ang swim bag na ginagamit ko para magtungo na sa practice. Kailangan kong magpractice ngayon ng doble dahil hindi na ako masyadong makakapagpratice sa mga susunod na araw dahil pahinga ko na 'yon para makakuha ng lakas.

"Miss President," Tawag ni Khelgio habang may kaakbay na babae.

Talaga nga naman laging iba iba ang babae ng lalaking 'to. Buti na lang at hindi sila nag a-away away dahil kay Khelgio? Curious lang ako, kasi halos everyday, iba-iba pero hindi na ako mag aabalang magtanong.

"Khelgio." Ngiti kong bati.

"Punta ka sa birthday ko mamaya?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil nawala sa isip ko na birthday nga pala ni Khelgio ngayon. Siguro dahil sa sobrang focus ko na sa swimming competition kaya nakalimutan ko ang ibang bagay.

"Sure sure. Saan?"

May practice pa kasi ako mamaya kaya paniguradong oras na ako makakapunta dahil tatapusin ko muna ang practice ng hanggang seven o' clock at pagkatapos ay uuwi para magpalit ng damit at mag ayos.

"Sa bar s'yempre. Kailangan nating mag enjoy sa birthday ko kaya puro inuman ang ginawa ko. Atsaka, mag enjoy ka muna, Miss President. Bago ka sumulong sa gyera." Tawa niya, na pati kasama niyang babae medyo natawa.

Tumango ako, "I will be late, Gio. May practice pa ako mamaya."

"Sige, Miss President. We have to go."

Nakita kong inakay niya ang babae paalis. Habang naglalakad sila ay nagtatawanan, napansin ko pang pinisil ni Khelgio ang pisngi ng pwet ng babae.

Napailing na lang ako. Really. In front of me.

After class, pumunta agad ako sa pool area para makapagpractice na. I started my practice early, so, I can be early in the bar. Ayoko rin kasi na baka nine o' clock pa lang ng gabi ako makapunta. It's a hassle thing, at pagkatapos baka malasing ako.

Yes. I've learned how to drink when Natanius left me. Naging kaantabay ko ang alak, naging sleeping pills ko, naging escape from reality ko muna. But I stopped, siguro dahil sa swimming competition.

Kinuha ko ang timer at sinet sa dalawang oras na practice. Hindi ko muna titignan ang macoconsume ko na time, gusto ko tuloy-tuloy lang na practice muna.

Maybe Someday (Demercibal Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon