Epilogue

32 3 0
                                    

Epilogue

**

"Siya lang ang gusto kong maging presidente nitong school wala ng iba. I could see the future discipline of the students with her own hands. I believe in her." I grinned my teeth while watching her walking.

"Ikaw Kuya Nat ha? Hindi mo sinasabi may gusto ka pala sa kaniya." Tanya laughed beside me.

She's doing something stitches and still chatting with me. Bakit hindi na lang mag focus sa ginagawa niya kaysa anu-ano pa ang sinasabi.

I creased my forehead, "What? I don't like her. I just want to tease her, sa tingin ko mukhang madali naman siyang asarin."

That's true. Asarin lang talaga ang gusto ko sa kaniya. No more than that. Asa siya, isang Demercibal mahuhulog sa kaniya?

Tumango si Tanya, "Pero ang ganda niya... Mukha siyang goddess sa kaniyang mukha. Dami kong kilala na maganda pero siya ang pinaka nagustuhan kong mukha."

She really is. Sobrang ganda talaga niya kahit sinong makakakita ay mapapanganga sa ganda niya.

"Stop with that, Tanya. I already told you hindi ko siya gusto. Gusto ko lang siyang asarin."

Hindi ko kasi maintindihan bakit kumakabog ang dibdib ko sa tuwing sasabihin na gusto ko siya kahit hindi naman. Gusto ko lang siyang asarin at bwisitin araw-araw but I won't fall for her.

No way.

She chuckled, "Hindi mo sure!" and she left me with parted lips.

Mabilis kong pinuntahan si Tita Josefa para sabihan na si Nikkisha Nille ang gusto kong ma elect na presidente ng school dahil alam kong kaya niyang i-handle ang mga estudyante at isa pa nakikita kong madaming nagkakagusto sa kaniya.

Tch.

Gano'n ba talaga siya kaganda para habulin ng mga lalaki? Kung pag sasapakin ko kaya isa'isa mga 'yon para magtanda? At marealize nila na wala silang pagasa kay Nikkisha. Halata naman sa babae na 'yon na mataas ang standard sa mga lalaki. Sabagay, maganda e'.

"What brought you here Natanius?" Tita Josefa asked me.

I cleared my throat, "Malapit na ang election ng student council. I just want to have a request Tita. Can Nikkisha Hermosa be the president of this school?"

Kumunot ang noo niya, "That's unfair for those who volunteer themselves Natanius. Alam ba ni Miss Hermosa itong gusto mong mangyari o iniinis mo lang siya?"

"She doesn't know. Don't tell her about this, I need to go."

Kung hindi kaya ni Tita Josefa na ielect agad si Nikkisha bilang presidente ako na lang ang gagawa ng paraan. I smirked when an idea came up in my mind, that's a good idea. She will definitely freak out and I couldn't wait to see her burning in anger.

"Vote Nikkisha okay? Or else... I'll kick you out of this school. Kilala mo naman ako 'di ba?!"

Binibigay ko ang flyers sa mga estudyante na napapadaan sa harapan ko. Kaya gano'n ang ginagawa ko ngayon na tinatakot sila kapag hindi si Nikkisha ang kanilang binoto, but I think, kahit hindi ko sila takutin iboboto nila.

Ilang oras akong tumayo para sa pagbibigay ng flyers sa mga estudyante. Panigurado kapag nalaman 'to ni Nikkisha ay susugurin niya ako na may nang aapoy na mata sa galit. I can't wait to laugh in front of her. Ang sarap kaya niyang asarin, para siyang apoy na hindi mahawakan kapag naiinis na.

"Natanius Demercibal!"

Aray putangina.

Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman kong may tumama do'n. Nilingon si Nikkisha ngayon na galit na galit ang kaniyang itsura. Inalis ko ang hawak ko sa ulo ko dahil nakita kong binato niya ako ng plastic bottled.

Maybe Someday (Demercibal Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon