Chapter 08
**
Tulala na ako mula nung iwan niya ako mag isa rito. My heart twingled, ang sakit sa pakiramdam. Kumikirot ang puso ko sa hindi malaman na dahilan.
Hindi ko ine-expect na tra-tratuhin niya ako ng ganoon at isa pa tumangi siya sa event kaya dapat ako rin. Hindi ko alam kung kaya ko pang lumaban matapos kong manghina sa kaniyang mga sinabi.
"Nille, nandito ka lang pala." Nakita ko si Gio nasa kinaroroonan ko na.
Pinilit kong ayusin ang sarili ko at tinignan siya, "Congrats pala. Ang galing mo." Puri ko sa kaniya.
His cheeks turned into a crimson. "That's all for you, Miss President. Thank you for cheering me up. Kung hindi dahil sa'yo baka wala akong gana maglaro,"
I chuckled, "Ikaw talaga bolero!"
Nagtawanan kami ng sabihin ko 'yon. Hindi halatang pagod si Khelgio sa paglalaro. If you look at him, mukha pa siyang hyper at kaya pang pumasada ng isang laro.
"Hindi ba ililibre mo'ko ng street food? Narinig ko 'yun kahit focus ako sa game kanina." Nilagay niya pa ang daliri niya sa labi na parang nag iisip.
"Oo naman. Pero siyempre, celebration muna dahil panalo kayo!" Sambit ko at tuwang-tuwa pa na parang kanila lang halos maiyak na ako kay Natanius.
"Nagkayayaan sila sa bar ni Stan," Sabi niya, "Mamaya raw gabi. Invited naman lahat pero siyempre alam mo naman bilang lang ang mga pupunta."
Tumango-tango ako. "I haven't experienced the taste of alcohol."
Natawa siya sa sinabi ko. "Hindi naman required na uminom, Nille. You can just join us and have some fruit drinks. Mayroon naman no'n sa bar."
Namilog ang mga mata ko. Nakapunta na akong bar pero saglit lang, hindi rin ako umiinom dahil ang sabi nila masama sa katawan ang alak. Kung pupunta ako ng bar, dinadalhan akong yogurt ng mga ka-members ko sa organization.
"Tara, hatid kita sa building niyo. Pagkatapos magsho-shower na ako."
Hindi na ako tumanggi pa at nagsimula ng maglakad. Nasa balikat ni Khelgio ang tuwalya habang nasa isang balikat ang isang strap ng bag niya habang may hawak hawak na cellphone at bottled water.
"May susundo ba sa'yo mamaya, Nille?"
Napaisip din ako roon sa kaniyang sinabi. Wala naman susundo sa'kin. Nagco-commute nga lang ako papunta sa school, 'yung susundo pa kaya? Atsaka kaya ko naman pumunta ng bar kahit walang susundo. May jeep na pa diretso ng daan hanggang may kanto na papasok ng bar.
"I get it. Sunduin na lang kita." Nakangiti niyang sabi.
Umiling naman ako. "Hindi na, Gio. Kaya ko naman pumunta."
"Please, Nille? Susunduin lang kita. Gabi na 'yon at ayoko naman magcommute ka."
Huminga ako ng malalim at mukhang talo na naman ako. Hindi ko kasi matanggihan sa mga sinasabi dahil para ko na rin siyang kapatid.
"Oh sige na nga. Papasok na ako."
Hinatid ako ni Khelgio sa building ng classroom ko at hindi nawala sa mga mata ko ang tingin ng iilang babae. May mga bumati kay Khelgio dahil sa pagkapanalo pero ngiti lang ang sinagot niya at hindi pinansin.
Nagpaalam na sa'kin si Khelgio na magsho-shower na kaya naman tinguan ko na lang siya at hindi na nagsalita. Inuna niya pa kasi ang paghatid sa'kin kaysa magshower siya.
"Boyfriend mo na siguro si Vergara, Miss Pres? Akala ko si Natanius!" Natatawang sabi ni Elena.
Ngumiwi ako. "Khelgio is just a friend."
BINABASA MO ANG
Maybe Someday (Demercibal Series #3)
RomancePopular. Beautiful. Sexy. Charming. Ilan 'yan sa katangihan ng isang Nille Hermosa na nag aaral sa Davisian University. Madaming lalaki ang humahanga sa kaniya at kaliwa't kanan ang pagbibigay sa kaniya ng mga bulaklak, love letter, at kung ano pang...