Chapter 12
**
"Wala ka bang mga kapatid na puwedeng tuluyan, Natanius? Dito mo pa naisipin na pumunta."
Sa tatlong kapatid ni Natanius hindi ba puwedeng doon si tumuloy? Talagang dito niya pa naisipan na pumunta? Ayan si Mama tuwang-tuwa pa na nandito siya.
Umiling siya. "Wala. Tanya is still in high school. Krall is busy with his incoming medtech exam. While, Kulas? Nah, he's a friend of that fucker and he's mad!"
Umirap na lang ako sa kawalan at hindi siya pinansin. Kinuha ko ulit ang cold compress na nasa maliit na lalagyan at dahan-dahang pinatong sa pasa sa kaniyang mukha.
"Sa susunod na makipagsuntukan kapa kay Khelgio hindi na kita aasikasuhin. Kaibigan ko pa rin siya kahit papano."
Ngumiwi siya ng napalakas ang diin ko sa kaniyang pasa. Seryoso siyang tumingin sa'kin pagkatapos ko siyang sermunan.
"That's why I'm jealous. Sobrang lapit niya sa'yo at unfair sa'kin dahil alam mong may gusto siya sa'yo pero hinahayaan mo." Ngumuso pa siya ng bahagya.
Napagbuntong hininga na lang ako at hindi na siya sinagot. Nagfocus ako sa pagpahid ng cold compress sa kaniyang pasa at taimtim lang akong nakatingin doon.
"Nikki-"
"Huwag kang magsasalita." I cut him off.
Nakatingin lang ako ng diretso sa kaniyang pasa at dahan-dahan ang pagpahid ko rito. Naramdaman ko na nakatitig sa'kin si Natanius kaya inangat ko ang tingin ko sa kaniyang mga mata.
Our eyes met, at the time we stared at each other I felt something in my stomach and heart. Bumilis ang tibok ng puso ko habang may kung anong mga kulisap ang nagsasaya sa tiyan ko. His eyes drove down to my lips, he stared at it for a couple of minutes.
"You're so beautiful, Nikkisha. I couldn't stop staring at you. You look lovely everyday,"
Natikom ko ang bibig ko sa kaniyang sinabi. Inalis ko ang cold compress sa kaniyang pasa at nagbaba ng tingin. Nanghihina ako sa kaniyang boses, sobrang sarap sa pandinig.
"I didn't know that I will be this obsessed with your face." He chuckled, nag angat ang kaniyang kamay at hinaplos ang pisngi ko. "I will do everything to get you, Nikkisha."
I cleared my throat. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kaniya at tumayo. Kinuha ko ang maliit na lalagyang ng cold compress sa mesa.
"Tapos na. Puwede ka ng matulog." Nanginginig kong sabi.
Tinalikuran ko siya at nagtungo akong kusina. Pakiramdam ko lulunurin niya ako sa mga titig niya at natatakot ako baka hindi ako makaahon.
"Nille, Nak. Hindi kaya mahihirapan matulog si Nat sa sofa? Alam mo naman na mayaman siya at baka hindi sanay sa ganiyan."
Nang tignan ko si Mama ay nakatingin lang siya kay Nat na natutulog sa sofa. Nakasuporta sa ulo niya ang dalawang kamay niya at diretso lang siyang natutulog.
"Baka malaman pa 'to nila Mayor at Vice Mayor! Baka sabihin nila hindi natin inasikaso ng maayos ang kanilang anak." Nagwo-worry siya ngayon kay Natanius.
Huminga ako ng malalim. "Pasok kana sa kuwarto, Ma. Ako na pong bahala kay Nat."
Tinignan niya ako. "Sigurado ka ba, Nille?"
"Opo. Ako ng bahala."
Umalis si Mama sa harapan ko at pumasok na sa kaniyang kuwarto. Tinignan ko ang oras sa wall clock at alas nueve na ng gabi. Dahan dahan akong naglakad patungo kay Natanius at tinignan ang kaniyang mukha.

BINABASA MO ANG
Maybe Someday (Demercibal Series #3)
RomansaPopular. Beautiful. Sexy. Charming. Ilan 'yan sa katangihan ng isang Nille Hermosa na nag aaral sa Davisian University. Madaming lalaki ang humahanga sa kaniya at kaliwa't kanan ang pagbibigay sa kaniya ng mga bulaklak, love letter, at kung ano pang...