Chapter 13

17 1 0
                                    

Chapter 13

**

Nasa harapan ko si Khelgio habang may nakakaawang itsura sa kaniyang mukha. Nagrequest siya na kailangan niya akong makausap dahil isang araw din kaming hindi nagkita at nagkausap.

"I'm very sorry, Miss President. Nagsisisi ako na pinatulan ko pa si Demercibal sa ginawa niyang pagsuntok." He apologetically said.

Huminga ako ng malalim. "Okay na 'yon, Gio. Huwag na lang sanang mauulit."

Sa tutuusin ay walang kasalanan si Khelgio sa nangyari dahil siya ang sinuntok. Kung may dapat sisihin dito ay si Natanius 'yon pero bakit hindi ko na kayang magalit sa kaniya ngayon?

Bumaba ang kaniyang tingin, "Nililigawan ka na ba talaga niya? Pinayagan mo na ba siya?"

Tila nanuyo ang lalamunan ko sa kaniyang tanong. Sa totoo lang, gusto ko na rin maging opisyal ang panliligaw sa'kin ni Natanius dahil tama naman si Mrs. Josefa.

Tumango ako. "He's courting me."

I saw pain danced in his eyes but he suddenly smiled. Parang walang nangyari dahil binalik niya ang kaniyang expression sa'kin.

"You like him." He painfully smiled, "I accepted the friendship because I don't wanna lose you. Masakit pala, Miss President."

Hindi ako nakapagsalita agad sa kaniyang sinabi. Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mga mata, umigting ang kaniyang panga at malalim na huminga. He bit his lips and slightly nodded his head.

"Khelgio..." I softly called him.

He chuckled, "Don't mind me, Nille. I'm okay. Alam ko naman na 'yan umpisa pa lang. Hindi rin ako umaasa sa'yo, kasalanan ko rin kung bakit ako nasasaktan ngayon dahil hinayaan ko ang sarili kong mahulog ng mahulog sa'yo."

"I'm sorry... Hindi ko rin alam... Hindi ko rin inaasahan na isang araw gusto ko na siya." Nanginginig ang boses ko.

"I'm still your best friend, Miss President. I'm always here for you. Hindi kita iiwan dahil alam kong kakailanganin mo ng sasandalan kapag nagkaproblema kayo."

His smoky eyes met my eyes. Kitang-kita kong namumula ito at may mga luhang namumuo sa dalawang mata niya. Kumabog ang dibdib jo dahil ito ang kauna-unahang beses na naging ganito ang itsura niya habang kaharap ako.

"Thank you, Gio. You're really a good friend." Pagod akong ngumiti para kahit papano ay alam ko pa rin kung paani ngumiti.

"I want to see you happy." He said in his soft and hoarse voice, "If you need me, I'm here. If you don't, I'm still here. Always, Miss President."

He stood up and took a glance in my direction. Isang tingin lang ang binigay niya sa'kin, sinabit niya ang kaniyang bag sa kaliwang balikat at tumalikod na.

Hawak-hawak ko ang libro at nagrereview ng ilang given lesson dahil may test mamaya. Hindi ako nakapagreview dahil nawala ito sa isip ko, kanina ko lang naalala nang dumating si Laureen at tinanong kung nakapagreview ako.

Sinapo ko ang ulo ko at umiling. "Fuck!" I murmured.

Kahit maayos na ang paligid ay hindi ko pa rin naiiwasan ang ibang mga mata na matatalim ang tingin sa'kin. Siguro normal na 'yang mga tingin nila dahil nakakasama ko ang taong gusto nila.

Maybe Someday (Demercibal Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon