Chapter 23
**
I am giving him a death glare. Hindi niya ako iniwan sa pool area hangga't hindi ako natatapos magpractice, buong practice niya akong pinanood. Hindi ko alam kung bakit hindi siya nabored sa ginawa niya dahil ituon niya lang sa'kin ang atensyon niyo.
"I'll just drive you home, Nikkisha."
Mas tumalim ang tingin ko sa kaniya dahil sa pangungulit niya sa'kin. "No. Kaya kong magcommute at umuwing mag isa."
"It's already seven in the evening. Lagi mo ba 'tong ginagawa kapag nagpra-practice ka? Ginagabi ka laging umuwi at wala pang maghahatid sa'yo?"
"Ano naman sa'yo, Natanius?"
Hindi ko na mapigilan ang hindi mainis sa kaniya dahil hindi ko siya maintindihan sa kaniyang kilos. Bigla bigla na lang siyang magpapakita at gano'n ang sasabihin kaya hindi ko maiwasan ang mag isip ng kung anong bagay.
Nagtagis ang bagang niya, "I... I just want to know. Let me drive you home."
Umiling akong muli, "Ayoko, Natanius. Naiintindihan mo ba ako? Wala na akong koneksyon sa'yo kaya hindi mo kailangan gawin 'yan sa'kin."
Ayoko na rin masaktan si Mama dahil no'ng nalaman niyang wala na si Natanius sa'kin ay nasaktan at umiyak siya. Hindi raw siya makapaniwala na iniwan ako ni Natanius dahil mahal na mahal niya ako at nakikita niya 'yon. Akala ko rin mahal niya ako pero nawala nang dumating na ang babaeng una niyang minahal.
I could forgive but I couldn't forget. Tinanggap ko na wala na talaga pero hindi ko makakalimutan ang sakit na nadulot sa'kin. I even suffer for how many months, asking myself what did I do wrong? Sasagutin ko na sana siya... pero may hinihintay lang pala siyang bumalik.
I was traumatized. Hindi ko alam kung kaya ko pang maniwala sa salitang pagmamahal kung ang mismong tao na minahal ko, sinaktan ako.
"I just want you to get home safe."
"I'm not safe with you." I heavily inhaled as I could feel my tears in the edge of my eyes.
He didn't answer me. I could see the disappointment in his eyes. Sinubukan niya akong tignan ng diretso sa mga mata ko pero iniwasan kong magkaroon ng eye-contact sa kaniya.
"Do you really hate me that much?"
Halos matawa ako sa tanong niya, "Are you really asking for that? Anong akala mo sa ginawa mo sa'kin na pag iwan basta-basta? Na... na masaya naman tayo, Natanius. Pero bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin na may hinihintay ka lang palang bumalik at hindi mo talaga ako mahal?"
"Nikkisha-"
"You just love the idea of love, Natanius. You just missed being in a relationship. You just missed her kaya ako ang napili mong pagtripan at pahulugin."
"Nikki please."
"Bakit ako ang napili mong saktan, Natanius? Do I deserve to be hurt like this? Bakit ako ang sinaktan mo?!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hampasin siya sa dibdib habang tumutulo ang mga luha sa mata ko. Hindi niya ako pinigilan at hinayaan lang niyang paghahampasin ko siya sa dibdib hanggang sa napagod ako at humagulgol ako sa kaniyang dibdib.
Tinago ko 'to ng ilang buwan, magta-taon ko rin kinimkim ang sakit na nararamdaman ko dahil pinakita ko sa lahat na kaya ko at gaano ako katatag pero nakakapanghina pala kapag nasa harapan ko na 'yung taong nanakit sa'kin.
Naramdaman ko ang kamay niyang bumalot sa kamay ko. Mahigpit niya akong niyakap and I couldn't deny the fact that I missed his presence. Naramdaman ko nu'ng unang kita ko sa kaniya na may something pa rin sa puso ko na hindi ko mapaliwanag.
BINABASA MO ANG
Maybe Someday (Demercibal Series #3)
RomancePopular. Beautiful. Sexy. Charming. Ilan 'yan sa katangihan ng isang Nille Hermosa na nag aaral sa Davisian University. Madaming lalaki ang humahanga sa kaniya at kaliwa't kanan ang pagbibigay sa kaniya ng mga bulaklak, love letter, at kung ano pang...