Chapter 28

14 2 0
                                    

Chapter 28

**

Tuwang-tuwa si Mama nang makita ulit si Natanius. Kagising kasi namin ay hinatid niya ako sa'min at nasaktuhan na nakita niya si Mama na nagluluto kaya naman ngayon ay nagluto siya ng panibago para kay Natanius.

"Hindi pa rin nagbabago ang luto mo Tita Mina. Masarap pa rin," Ngising-ngisi si Natanius habang sinasabi 'yon.

Kumunot ang noo ko at umirap sa kawalan. Hindi pa rin siya nagbabago masyado pa rin siyang bolero kay Mama. Si Mama naman ay gustong gusto at natutuwa pa sa pambobola sa kaniya ni Natanius.

"Gusto mo ba pandala kita ulit ng pagkain? Balita ko, masyado nang successful ang kumpanya niyo at napapagod ka na ng sobra kaya lutuan kita at may makain ka sa opisina mo."

Nakikinig lang ako sa pinag uusapan nila habang sumusubo ng pagkain. Sumulyap sa'kin si Natanius na may malaking ngisi sa labi.

"Salamat Tita Mina. Sobra nga pong nakakapagod sa trabaho e' tapos ayaw pa akong bisitahin ni Nikkisha sa office." Ngumuso pa siya nagmake face kay Mama na parang nakakaawa.

Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin at lihim siyang ngumiti kaya tumingin si Mama ngayon ng masama at nagpamewang pa sa harapan ko.

"Bakit hindi mo binibisita ang boyfriend mo Nille?! Kahit man lang dalhan mo siya ng pagkain!"

Napairap ako sa kawalan habang si Natanius ay natatawa pa rin. Ito na naman siya! Gustong-gusto niya talaga akong bwinubwisit kahit kami na.

"Ma, huminahon ka. Kagabi lang naging kami, paano ko siya madadalaw?"

"Edi araw-arawin mo na ngayon."

"Oo nga Tita Mina para naman may lakas ako pag nagtra-trabaho."

Umiling na lang ako at hindi na nagsalita. Hinayaan kong mag usap si Mama at Natanius tungkol sa kaniyang trabaho. May mga naririnig akong salita na hindi ko naman maintindihan kaya hinayaan ko na lang.

Mabilis akong nagligpit ng pinagkainan. Tinulungan ako ni Natanius, ako ang taga sabon at siya naman ang taga banlaw. Binawalan siya ni Mama pero hindi siya nagpanitag. Gusto niya raw akong tulungan sa hugasin dahil ayaw niya akong mapagod, may practice pa raw kasi ako mamaya.

As if naman mapapagod ako sa ilang pirasong pinagkainan. Over-acting lang talaga minsan si Natanius pero hindi ko na 'yon sinita dahil wala naman akong magagawa.

"Ano oras practice mo mamaya, Hon?"

Natapos kaming maghugas ng plato ni Natanius. Hindi na siya nakapasok ng kumpanya dahil sa pagtulong-tulong niya sa'kin sa paglilinis.

Ako rin ay hindi pumasok dahil maaga ang practice ko ngayon, ito na yata ang last practice ko dahil the day after tomorrow ay competition na. I need one day rest para hindi pagod ang katawan.

"Uhm, afternoon. Kailangan ko maagang matapos para makapagpahinga na lang din."

He smiled, "Kaya natin 'to, Nikkisha. You will get that trophy. Hindi ka nag iisa, I am here with you."

I bit my lower lip, "T-Thank you..."

"Don't mention it. Boyfriend mo 'ko kaya obligasyon kong suportahan ka. And I will always believe in you. Sa ganda mo palang paniguradong talo na sila."

Bahagya ko siyang siniko. "Ikaw talaga!"

"What? Totoo naman, Nikkisha."

"Oo na lang!"

Dahil sa kalandian ni Natanius, anong oras na siya nakapasok at nakalimutan niyang may meeting pa pala siya kaya ayon nagmadali siyang umuwi katapos niya akong ihatid sa DU. As usual, eyes are all on me again.

Maybe Someday (Demercibal Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon