Chapter 22
**
"Nahihibang ka na ba?" Natatawa kong tanong sa kaniya habang hindi makatingin ng diretso.
Pinaglalaruan na naman ba niya ako at pagkatapos sa huli ay iiwan ulit? Hindi ko na rin naman siya mahal at nakamoved on na ako kaya walang rason para maging affected pa ako sa nakaraan.
Umiling siya at tumalikod sa'kin, "Maybe yes because I want to be with you."
"Bakit gusto mo akong makasama? Isa lang ang request ko Natanius. Ang i-cancel ang sponsor mo sa'kin at kuntento na ako sa sponsor ni Miguel."
Muli siyang lumingon sa'kin habang nagliliyab sa galit ang mga mata niya. Ngayon ko lang napansin na nawala na ang hikaw sa tainga niya at pormal na pormal na siya sa kaniyang suot.
"No. You're being unfair."
"Hindi ako unfair, Natanius! Mas gusto ko na ang sponsor ni Miguel kaysa sa'yo!" Singhal ko sa kaniya.
Kumunot ang kaniyang noo, "Bakit mas gusto mo ang sa kaniya? Did you two already be in a relationship? Anong relasyon niyo, huh? Magjowa... Naghahalikan na kayo?"
Ano bang pinagsasabi nitong lalaki na 'to at nakarating pa kami sa kung magjowa kami ni Miguel at naghalikan na. Pati ba naman ang personal na buhay ko ay itatanong niya pa. Para saan? Sila nga ni Francine hindi ko na tinanong kung naghalikan na sila.
Obviously.
"Ano naman sa'yo kung naghalikan na kami at jowain ko siya?"
He slightly smirked his lips, like he was playing with me. "Really, huh."
"I came here for the cancellation of the sponsor and not to tell my stories with you."
Akala ko nga pagkadating ko pa lang dito sa kumpanya ay papaalis na ako dahil baka maabutan ako ng girlfriend niya or what pero hindi! Kung anu-ano pa ang sinabi na he just wants to be with me.
Like what the actual fuck? I'm not here for a joke! Madami pa akong kailangan gawin at magpractice kaya dapat hindi ko sinasayang ang oras ko dito.
"Please. I'm asking you a favor to drop down the money and I will leave." Seryosong sabi ko sa mababang boses.
He shook his head, "Hindi mo na mababago ang desisyon ko, Miss Hermosa. I already told you the condition I want. Pay me by being with me," He winked his playful eyes.
I grinned my teeth because of frustration. Bakit nagagawa niya pa akong biruin sa ganitong sitwasyon! Hindi ba talaga siya titigil sa pagloloko sa'kin?
"Mr Demercibal, you already have a girlfriend and now you're telling someone to be with you as a payment for your bullshit?"
Hindi niya ako pinansin at nagdire-diretso lang siya ulit sa kaniyang upuan at umupo. Tinignan niya ako ng diretso sa mga mata ko habang nakalagay ang isang daliri sa labi na parang nag iisip ng kung ano.
"Whose girlfriend are you talking about?" He asked, nonchantally.
Kung kanina ay siya ang natatawa sa'kin. Ngayon naman ay muntikan na akong humagalpak ng tawa at nginisian siya.
"You're really playing with me? So, you're denying Francine now, Mr Demercibal?"
He smirked too, "Francine was my ex-girlfriend. What's with her?"
Napatikom ako ng palad dahil sa inis ko sa mga sagot niya. Hindi 'yan ang totoong sagot sa mga sinabi ko! Kung maririnig lang 'to ni Francine paniguradong pag aawayan nila.
"Ito ba ang bagong way mo ngayon? Kapag may ibang babae sa harapan mo, idedeny mo ang girlfriend mo?" Nagtagis ang bagang ko sa tanong ko sa kaniya.
Doon ko nakitang sumeryoso ang mukha niya. He hardly closed his eyes and slightly massaged his temple. Para ba siyang stress sa usapan namin ngayon.

BINABASA MO ANG
Maybe Someday (Demercibal Series #3)
רומנטיקהPopular. Beautiful. Sexy. Charming. Ilan 'yan sa katangihan ng isang Nille Hermosa na nag aaral sa Davisian University. Madaming lalaki ang humahanga sa kaniya at kaliwa't kanan ang pagbibigay sa kaniya ng mga bulaklak, love letter, at kung ano pang...