Chapter 17
**
Ilang beses nagpasalamat si Mama kay Natanius dahil sa ginawa niya. Kung si Mama ay natutuwa, ako hindi. Hindi pa naman kami para gastusan niya ang bahay namin ng million. Alam kong barya lang 'yon sa kanila pero hindi pa rin tama.
"Nikkisha..." Tawag niya.
Nilingon ko siya at binigyan ng tingin, "Bakit mo naman ginawa 'yon, Nat? Kaya ko naman bilhin 'to kung sakali... Hahanap ako ng trabaho o kahit ano. Hulug-hulugan ko buwan-buwan! Puwede naman siguro 'yun e."
Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko. Binigyan niya pa ng halik 'yon bago ibalik ang tingin niya sa'kin.
"I don't want to see you hurting, Nikkisha. Nung nakita kitang lumuhod sa harapan nila parang gumuguho na ang mundo ko. I couldn't bear seeing you kneeling and begging in pain. I hate it." Sabi niya habang hinahaplos pa rin ang kamay ko.
Umiling ako, "Hindi 'yon, Natanius... Okay lang sa'kin. Kamag-anak ko pa rin sila at alam kong may awa pa sila. Hindi mo naman ako kailangan gastusan dahil hindi pa nga tayo at mas lalong hindi pa kita asawa."
"Then let's get married." Diretso niyang sabi.
Nanliit ang mga mata ko at binawi ko ang kamay ko sa kaniya. "Puro ka talaga kalokohan."
"I'm serious. Let's get married. We're already under the legal age, I think we can get married." Sambit niya habang nakatingin lang ng diretso sa mga mata ko.
Umirap ako, "Masyado kang mabilis!" Suway ko sa kaniya, "Bayaran ko na lang 'yung million na-"
"Marrying me is the best solution, Nikkisha. If you want to pay me, marry me." Ngumisi siya sa'kin at nangislap ang hikaw na nasa kanang tainga niya.
"Natanius!"
He chuckled, "Let's prepare. I'll bring you to my parents. Nasabi ko na sa kanila na pupunta tayo at ipapakilala kita sa kanila. Though, my siblings already know you."
Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya. "Nat! Bakit ang bilis? Hindi pa ako ready humarap sa family mo."
"My parents are kind, okay? Huwag kang kabahan sa parents ko, Nikkisha."
I slightly pouted my lips, "Paano kapag hindi nila ako nagustuhan? Paano kapag nalaman nila 'yung perang nilaan mo sa bahay namin? Paano kapag ayaw-"
My eyes widened when his lips met my lips. He slowly moves his lips but minutes have passed, he stopped.
"Stop talking, Nikkisha. You're thinking too much. My parents are not like that. Hindi sila nanghihimasok sa buhay pag ibig namin. And about the money? They don't care about that. Akin 'yon at wala silang magagawa."
Hindi na ako sumagot sa sinabi niya mukhang talo naman ako. Actually, he was right. His parents are kind, kaya nga sila ang laging elective officers dahil marunong silang mamalakad ng mga tao.
Umuwi muna sandali si Natanius para magpalit ng damit. I took the opportunity to dress up while he was gone. I wore simple formal clothes and put on some light makeup. Hindi ako kumportable sa red lipstick kaya pinalitan ko ito ng pink na medyo glossy.
"Nille! Bilisan mo nand'yan na yata si Nat!" Sigaw ni Mama mula sa labas.
Kinuha ko ang pouch na dala-dala ko at lumabas ng kuwarto. Sinalubong ako ng ngiti ni Mama at may hawak-hawak siyang heels.
"Alam ko hindi ka magsusuot ng heels, kaya kinuha ko 'to sa kapatid mo. Buti na lang at pumayag, eto suot mo. Huwag kang magsandals sa dress na suot mo." Sambit niya at nilahad sa'kin ang heels.
BINABASA MO ANG
Maybe Someday (Demercibal Series #3)
RomancePopular. Beautiful. Sexy. Charming. Ilan 'yan sa katangihan ng isang Nille Hermosa na nag aaral sa Davisian University. Madaming lalaki ang humahanga sa kaniya at kaliwa't kanan ang pagbibigay sa kaniya ng mga bulaklak, love letter, at kung ano pang...