Taguan at iwasan, ayan na naman,
pilit binubura kahit pintado ka na sa isipan.
Bakit kaya 'di ko masabi sa'yo?
Ah, oo nga pala takot akong masira kung ano mayroon tayo.Mayroon tayo na walang katulad sa iba,
mahalaga ka sa 'kin dahil puso ko'y bigla nagiging kakaiba.
Kapag andyan ka na, kunwari'y galit upang 'di mahalata,
na puso ko'y labis-labis ang tuwa 'di lang magawang ipadama.Ngingiti kapag 'di ka nakatingin,
kinukubli ang damdamin kahit gusto ko ng umamin.
Pareho kaya tayo ng nararamdaman?
O maiiwan lang itong palaisipan.Mahal na nga ba kita sa lagay na 'to?
O isa lamang itong panandaliang kasiyahan dahil ikaw ang ispirasyon ko?
Makaka-ahon pa kaya ako kapag tuluyang nahulog sa iyo?
O maiiwan lang akong wasak sa panandaliang damdamin na ito.Sa ganda ng 'yong ngiti bungad saki'y paraiso,
kelan ko ba ulit naranasan,
ang pakiramdam na hindi na uso.
Pagkasabik na makita ka'y
hindi ko maabuso,
sapagkat hatid mo'y salubong na kilay sa damdaming pumupuso.Ika'y kagaya ng isang paraluman,
at handa akong ibigay ang aking pag-ibig na walang hanggan.
Kaya sana hiling ko na 'wag iwasan,
kapag umamin na ako sa'yo sa damdaming ito na sa'yo lang nakalaan.Aaminin na hanggang sa huli hindi susuko,
pag-ibig na nilaan may katapusan ba na magandang k'wento.
Sinimulan ko sa isang tanong na, "Kumain kana?"
Bumilog itong mga mata nang sumagot ka, "Oo, Ikaw ba?"Nagsimula ang ating magandang kwento,
hindi ko inaakala na iyong dating panalangin ay nagkatotoo.
Hindi ko lubos akalain na pareho pala tayo ng nararamdaman,
kung sana'y sinabi ko ng maaga nasimulan na natin ang ating pag-ibig na pangmatagalan.A collaboration of Dawndistinctmind and Juan Ibarra.
BINABASA MO ANG
Heartstrings (Anthology Compilation)
PoetryThis is a compilation of my original poems. If you would like to read my masterpiece, feel free to proceed. Enjoy!